Pwede bang ako nalang kailanganin mo?
Pwede bang ako nalang hilingin mo?
Pwede bang sa 'kin mo nalang ialay lahat ng sinulat mong tula
Pwede bang ako nalang ang sandalan mo sa tuwing ika'y naluluha
Pwede bang pansinin mo naman lahat ng ginagawa ko
Pwede bang isipin mo naman kahit minsan yung nararamdaman ko
Pwede bang kilalanin mo naman ako kahit minsan lang?
Kahit hindi bilang mahal mo, kahit bilang tao nalang
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoesíaKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.