Tayo'y mga asong tahol nang tahol, sa karapata'y nagigipit
Ilang aso na rin ba niligpit, dahil kay ingay sa pandinig?
Kahit may nilalaman ang mga bibig, pinapatahimik ng pilit
Ilan pa ba ang magkikimkim? Ilan pa ba ang malilibing?
Ilang administrasyon ba ang magkukulong sa mga asong uhaw sa hustisya
Ilang pinuno pa ba ang masusunod? Ilang tuta pa ba ang papalamunin ng pera
Kailan ba makakalaya ang Pilipinas? Ba't nga ba tayo naghahangad ng pagunlad?
Paano masasaayos ang batas? Kung mali lagi ang pagpili ng mga naturingang alagad
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoesiaKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.