Umay

4 1 0
                                    

Pano ba yan, olats na naman tayo

Kasabayan ng talo ang paglaho

Hindi maipinta ang kapalaran natin

At ang mga nais ay tinangay ng hangin

Maraming gustong sabihin

Marahil putol na ang daliri

Na kahit pulso'y nabitin

Ang aking punto'y naisin

Sa pagsabing maraming isda sa karagatan, nakita kita sa palasyo

At ang lahat ng aking nais tabihan, ay sabing nalalagay sa peligro

Kaya kahit labag sa pakiramdam, ako'y di na nagtangkang pumuntos

Sapat na saking mapagmasdan ka lang, kahit na ganto pa kalayo

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon