Ibang klaseng sabik sa 'king pakiramdam
Sa tuwing atensyon mo'y aking nakukuha
Dal'wang bato ang paniguradong tatambang
At tingin mong sa akin ay nagpapalula
O kay ganda ng 'yong tingin, mga mata mong sa 'kin nagpapangiti
Hindi mo lang napapansin pero sa 'yong titig, lahat ay nasasantabi
O kay ganda mong pagmasdan, sana sa 'kin ka nalang laging tumingin
Dal'wanh bato, o mas magandang diyamanteng palaging nagniningning
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoetryKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.