Nakakalunod na ngiti ang sa akin laging tumatambad
Litrato mo ang madalas kong ilikom at aking itinatambak
Para aking tignan, sa tuwing nakakaramdam ng aking pagbagsak
Ikaw ang aking naging lakas, na kay gandang pagmasdan
Para na akong baliw sa sobrang pananabik sayo
Ninanais na ito ang maging paborito mong libro
At kung ikamamatay ko ang pagnakaw sa'yo ng tingin
Ang saklolo'y kailanma'y hinding-hingi ko hihilingin
![](https://img.wattpad.com/cover/375381045-288-k216198.jpg)
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoetryKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.