Hindi masagot sa pasimple ang tanong
Uutal-utal, paanong diretso na masasagot
Bubuntong-hininga, hahanapin ang gamot
At kung nasa rurok, hiling na sana'y maabot
O, palaging bulong na hindi magtatagal
May patugon na kay sakit manampal
Sa aking tanong, sino'ng magdadaldal
Gaano kasarap ang mag-mahal?
![](https://img.wattpad.com/cover/375381045-288-k216198.jpg)
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoesiaKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.