Dibdib

2 1 0
                                    

Nakakapagod rin pala ang pagpilit pakinggan

Sa sariling ang sarili ay di maintindihan

Tinatanim sa aking utak ang dapat tamang daan

Ngunit naliligaw pa rin sa dapat puntahan

Kay bigat na tila kargado ang dibdib

Rinig ang hikbi't lagabog at pintig

Na ayaw paawat, paano bubuhatin

Kung ang ninanais ay di kayang awatin

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon