Payong

2 1 0
                                    

Ang ulap ay bahagyang hindi maipinta

Di rin maiwasan ang pagbuhos bigla

Pero wag mag-alala, ako'y kasama mo pa

Na sa kahit anong bagyo'y hindi ka mababasa

Ano nga ba ang punto, ulan na sumisimbolo sa problema

At ako naman yung payong na di ka hahayaang matangay

Wag mo akong pagbawalang mahalin ka, akin sinta

Ako'y nandito lamang palaging magnanais sayo'y sumabay

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon