Pagtatalo

18 3 1
                                    

Tinutuon ang isip sa direksyong papalayo sa pagtatalo

Ng dalawang negatibong tunog na tila laging nanguutos

Na umurong ang dilang gustong gusto na sabihin ang tinitibok

Ng bawat ugat sa aking utak na pangalan mo ang tinutunog

Hindi kinikibo, madalas kung iwasan ang gustong aminin

Sa kuwaderno na lamang pinalaman ang laman ng sasabihin

Sa hangin binulong, at sa hangin pa rin ako magaabang ng tugon

Aabante ng aabante ang pag urong, at susulong ng susulong pasulong

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon