At sa muling pagtatalo ng aking isip at ng puso
Hindi pa rin sigurado kung kanino dapat sumunod
Saan nga ba dapat pumunta ang nasabing punto
Dapat nga bang dinggin ang pagnanais bumukod
Kailan kaya tayo magtatagpo sa gitna?
Kailan kaya tayo, kung sakali, maging isa?
Kailan kaya mahahatid ng damdamin mo ang mga ninanais ko?
Kailan kaya mababatid na hangarin ko ay simpleng tulad mo?
Hindi na magkasundo, walang natitirang kakampi
Hindi alam kung kanino ba dapat ako tatabi
Magkasalungat na ata ang lahat, sana nga'y may tyansang matuwid
At kung sakaling hindi, mahirap nang umasa, malabong matawid
![](https://img.wattpad.com/cover/375381045-288-k216198.jpg)
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoetryKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.