Letra

22 1 0
                                    

Sa kalagitnaan ng pagsikat ng buwan na 'di kalayuan, binalaan ako ng dilim

Ang pagsubok sa pagsubok ay wag ko daw subukan, at wag mag-ambang tangkain

Marami pa raw akong hindi nalalaman, at 'di kaya kahit subukang tanggapin

Kaya ako'y sumang-ayon na lamang, na parang wala lang, 'di na para bigyan ng diin

Isa akong makatang mangmang, na nagmamahal sa malayang paglikha

Ngunit kaalaman ko'y 'di na matumbasan, hirap din kung mai-tinda

Ang baso'y malayong mapuno, ngunit palaging umaapaw

Hindi mo yan matatanto kung anino'y higit pa sa mababaw

Ang tinta'y pumupunit ng papel, sa paraang pagbibigay disenyo

Maihahalintulad sa tore ng babel, na ginagapang ng bitak na semento

Kung ilegal magsulat ng letrang umiingay, nakakabingi't masakit pakinggan

'Di na kailangan magbanggaan ng sungay, ako nalang aako ng salang kasalanan

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon