chapter VII

173 8 0
                                    


Maya POV

Nandito ako ngayon sa office ni presiecakes dahil pinatawag nya ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, baka kase tungkol na naman to sa ayaw nila ni bunso.

Napatingin ako sa pinto ng bigla yung bumukas at ng makitang si presiecakes yun ay agad akong tumayo para bumati. "Good morning pinaka-mabait na student council president"

Pero imbes na batiin ako pabalik, binigyan nya lang ako ng sulyap at dumeritsyo sa table nya, napaka-sungit talaga. "So, ano palang ang reason kung bakit mo ako pinatawag? May ginawa ba akong mali? O baka si Sheila ay may ginawa pero ako yung pinanggigigilan mo," tanong ko sabay ngiti.

"May ipapaayos ako sayo, here," ani nya sabay abot sakin ng hawak nyang folder. "Siguraduhin mong maayos na lahat bago mo ibalik sakin, and paki-inform nalang din sina kian na meron tayong meeting mamaya."

Tinanggap ko nalang yung folder baka kase mapindot si anger. "Nga pala pres, sorry sa mga ginawa ni Sheila ha, pagsasabihan ko nalang," ani ko habang nakatingin sa folder. Hindi ko kase kayang titigan sya, nakakahiya. "Ayos lang, hindi mo na kaylangang gawin yun. Nasa tamang edad na sya, dapat alam na nya yung tama sa mali. Mag-focus ka nalang sa pinapagawa ko sayo, and if you need help, alam mo kung saan ako hahanapin"

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito, kita nyo? Kahit masungit yan meron parin syang pagmamalasakit sa kapwa. "Sige, punta nalang ako mamaya dito hehe," sabi ko na nagpalingon sa kanya. "Lilinawin ko lang, pupunta kalang dito kapag may kaylangan ka, hindi yung pupunta ka dito para manggulo. Kuha mo."

Natawa malang ako dahil sa sinabi nya, kahit kelan talaga ayaw nyang naiistorbo. "Copy ssob." Ani ko bago nag-salute sa kanya.

"Loko" ani nito bago ako binigyan ng tipid na ngiti. Wait what? Pitid na ngiti? Ngumiti sya?

Bigla akong tumayo, lumapit sa kanya bago ito hinawakan sa balikat at pinaharap sakin. Hindi ako makapaniwala, talaga bang ngumiti sya. "Anong ginagawa mo miss Maya," seryoso nyang tanong.

Pero imbes na sagutin ang tanong nya ay ngumiti lang ako. "Ang ganda ng ngiti mo, sana araw araw kang ganyan," wala sa sarili kong sabi. "Sa susunod nalang, wala pa akong ganang ngumiti ngayon," ani nito na nagpabalik sakin sa katinuan. Hanuh daw?

"Huh?"

"Sabi ko umpisahan mo na yung pinapagawa ko sayo, ibabalik mo pa sakin yan mamayang uwian," napasimangot nalang ako dahil sa pag-iiba nya ng usapan. Pero wala na ding nagawa kundi ang sundin ang utos nya. "Sige una na ako, babye presiecakes." Paalam ko sa kanya ng may ngiti sa labi at sinabayan pa ng kaway.

"Bye, ingat sa daan, baka madapa ka," paalala nya na ikinatawa ko. Pano naman ako madadapa ehh nasa tamang edad nako.

"Aray," at yun na nga, dahil sa hindi ako nagbigay ng atensyon sa daan, nadapa tuloy ako, ang bilis ng kamalasan. "Sabi ko naman sayo na mag-ingat ka sa daan diba, hindi ka kase nakikinig." Ani nya bago ako tinulungang tumayo.

"Thank you, hehe sorry wala kase ako sa sarili, ang ganda kase ng ngiti mo" sabi ko habang nakangiti. Hinihintay ang magiging reaksyon nya at hindi naman ako nabigo dahil sumilip na naman ang ngiti sa labi nya.

"Sige na, tama na yan. Aalis na din ako, hahabol ako sa klase ngayon araw total wala naman nang masyadong gagawin." Ani nya habang inaayos yung gamit.

"Sabay na tayo," masaya kong sabi habang nakatingin lang sa kanya na ngayon ay busy sa pagliligpit ng gamit nya. "Magka-iba tayo ng papasukang silid-aralan miss Secretary" ani nito bago sinuot yung bag.

"Psh, pwede namang sabay parin tayo eh, sige na, pumayag kana," pamimilit ko sa kanya bago sya niyugyog. "Oo na, oo na," pagsuko nya. "Yeay," ani ko bago pinulupot yung kamay ko sa braso nya, "sabay kami pumasok ni presiecakes, yeay." Masigla kung usal.

Academic Rivals: A Collision of HeartsWhere stories live. Discover now