chapter I

1.3K 13 4
                                    


Sheila Pov

Isang maaraw na umaga ang bumati sa akin nang buksan ko ang aking mga mata. Hindi ako nag-aaksaya ng oras at agad na bumangon para simulan ang aking umaga ng may ngiti sa labi.

Sinimulan ko ang aking umaga sa pagligpit ng aking higaan at nagunat ng katawan para naman kahit papano ay mawala ang aking antok.

Matapos noon, pumunta na ako sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang tinagal ko doon at agad na lumabas. Sakto paglabas ko sa banyo, suot-suot ang aking bathrobe, ay ang pagpasok ng aking gran-gran sa aking kwarto.

"Gran-gran," ani ko habang nakatingin kay gran-gran ng may pagkadismaya.

"Ayy, pasensya na apo, kanina pa kasi ako tawag ng tawag sa iyo pero hindi ka naman nasagot," paliwanag ni gran-gran bago tumalikod na dahilan ng pagtawa ko.

Si gran-gran talaga, kahit kailan napakakulit.

"Ano po bang kailangan ninyo at tinatawag ninyo ako?" tanong ko habang ang atensyon ay sa paglagay ng skincare sa mukha.

"Tatanungin ko lang kung si Ben ba ang maghahatid sa iyo o gagamitin mo ang kotse mo, para naman masabihan ko ang tao kung sakaling sa kanya ka nga sasakay," paliwanag ni gran-gran.

"Gagamitin ko po ang sasakyan ko ngayon, pakisabi na lang po kay Manong Ben," ani ko bago tumayo para mamili ng damit.

"Oh sige, bilisan mo na diyan ha, baka lumamig pa ang hinanda ng pagkain ni Berta," paalala ni gran-gran bago lumabas.

"Opo," sagot ko kahit alam kong wala na siya sa likod ko.

Kakatapos ko lang sa pag-aayos ng aking sarili kaya agad na akong bumaba para mag-almusal. Naglalakad pa lang ako pababa ng hagdan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni gran-gran.

"Sheila Marie, ano na, pakibilisan at baka mahuli ka sa iyong klase," sigaw ni gran-gran sa kusina na dinig na dinig dito sa hagdan.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at agad na lumapit kay gran-gran para halikan ito sa pisnge bago umupo.

"Good morning gran-gran," bati ko sa kanya ng may matamis na ngiti sa labi.

"Magandang umaga din, oh siya, kumain ka na diyan," ani nya sabay ngiti.

Napatigil ako sa pagkain nang mapansin kong aalis si gran-gran. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo bago naisipang tawagin.

"Gran-gran, saan punta mo? Hindi mo ako sasabayan?" tanong ko sa kanya habang nakakunot noo. Madalas kasi kaming magkasabay ni gran-gran sa almusal kaya medyo naninibago ako sa hindi niya pagsabay sa akin.

"Sandali lang kasi, may kukunin lang ako eh, ito naman parang bata," sagot ni gran-gran na ikinatawa ko.

Hindi naman halata na banas na banas na sa akin si gran-gran, 'di ba? Matapos ang ilang minuto ng kanyang pagkawala, bumalik siya sa hapag na may dala-dalang isang paper bag.

Agad naman nangunot ang noo ko dahil sa nakita. Ano naman kaya ang laman ng paper bag na 'yan?

"Oh, alam kong hindi kompleto ang araw mo ng walang nilalaklak na ice coffee," ani ni gran-gran at inabot sa akin ang bag. "Inunahan na kita, pinabili ko na agad si Ben para hindi na kayo dumaan sa coffee shop."

Isang matamis na ngiti ang hindi ko namamalayang lumabas sa aking labi habang ang tingin ay nasa paper bag lang. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari sa buhay ko kapag wala na si gran-gran.

Hindi maiwasan na hindi isipin ang mga ganong bagay dahil alam kong lahat ng tao ay may nakatakdang oras para pumanaw, pero hindi pa talaga ako handa. Siya na lang ang natitirang taong may pake sa akin dahil ang dad ko, ayon, nasa kabit niya habang si Mom matagal ng wala. Tanging si gran-gran at si Kuya Seldon na lang ang natitirang nagmamahal sa akin.

Academic Rivals: A Collision of HeartsWhere stories live. Discover now