chapter XXVI

90 6 1
                                    

Gianna POV

Hmm, ang sakit ng katawan ko, pero parang gumagaan na ng kunti yung pakiramdam ko. May nararamdaman akong basa na bagay na nakapatong sa noo ko. Ginamit ko yung kanang kamay para kunin yung bagay nayun.

"Bimpo" mahinang saad ko ng makita yung bagay.

Nilibot ko yung tingin ko sa silid, at may narealize lang akong isang bagay. Hindi ko to kwarto, dahil sa nalaman pinilit kong bumangon pero nandilim lang yung paningin ko.

"Ugh" daing ko bago napahawak sa noo, hindi parin talaga mawala-wala yung lagnat ko, lumala pa nga.

"Ohh gising kana pala"

Tinignan ko yung taong nagsalita, si catacutan lang pala, pumasok sya sa kwarto dala dala ang isang tray na may laman na kung ano. Nilapag nya yun sa maliit na lamesa sa gilid bago ako hinarap.

"Bumangon kana dyan, kanina pa kita hinihintay magising. Ilang ulit ko nang ininit yung soup para lang paggising ko mainit parin," reklamo nya gaya ng lagi nyang ginagawa.

"Ohh ano pang tinitingin-tingin mo dyan, bumangon kana't kumain" maldita nyang usal habang naka-cross arm pa.

"Aba'y bakit ganyan ka makipag-usap sa may sakit," ani ng tao sa likod nya bago sya kinurot sa tagiliran.

"Aray ko," daing nya bago hinimas yung braso nya. "Si gran-gran naman," nakanguso nyang usal.

"Wag ka ngang ganyan sa tao ha, don kana sa baba ako nang bahala dito, kesa naman awayin mo tong bata," ani ng matanda kay catacutan kaya wala itong nagawa kundi umalis.

"Ahh mabuti naman at gising kana iha, ayos naba yung pakiramdam mo. Halika alalayan na kita dyan para makakain kana't makainom ng gamot." Ngiting sabi nya bago lumapit sakin at inalalayan akong umupo.

"Ohh ito na yung soup na pinaluto ko, kainin mo yan ha, pagkatapos, " kinuha nya yung gamot sa tray, " inumin mo to para gumaling kana" maamong sabi nya bago sakin inabot yung gamot.

Hindi ko nagawang sumagot, nakatingin lang ako ngayon sa kanya. Napansin nya siguro yun kaya nagtanong sya.

"Ayos kalang ba iha, hindi mo ba kayang igalaw yung kamay mo, gusto mong subuan kita"

"Sus, ang arte kaya na nyang magkutsara," rinig kong pagsagot ni catacutan sa labas.

"Sheila Marie" sigaw ng matanda.

Narinig ko pa kung pano nagreklamo si catacutan bago bumaba. Ngumiti lang yung matanda sakin bago hinawakan yung noo ko.

"Mainit ka parin," ani nya "sige na iha kumain kana, pero kung gusto mo susubuan nalang kita" ani nya at kukunin na sana yung kutsara ng pigilan ko ito.

Napatingin sya sakin dahil sa ginawa ko pero nginitian ko lang sya sabay sabi ng " hindi na ho, kaya ko na po yan".

Ngumiti lang sya bago tumango, "sige kung ganon bababa muna ako ha, aasikasuhin ko pa yung si Sheila Marie. Babalik din naman ako agad," paalam nya na sinagot ko lang gamit yung tango.

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Tinitigan ko lang yung pagkain na hinain sakin ni catacutan. Kinuha ko yung kutsara bago sumandok ng soup, hinipan ko yun bago tinikman.

"Hmm, masarap," bulong ko bago ngumiti.

Hindi ko alam pero yung sakit na nararamdaman ko kanina ay bigla nalang nawala. Nakangiti ako ngayon kinakain yung soup, hanggang sa maubos ko na yun. At gaya ng utos ng matanda pagkatapos ko kumain ay ininom ko na yung gamot.

Binaba ko yung baso sa lamesa at saktong paglapag ko nito ay ang pagpasok ni catacutan sa kwarto. Nakabusangot syang nakatingin sakin bago walang pasabing umupo sa gilid ng kama.

Academic Rivals: A Collision of HeartsWhere stories live. Discover now