Sheila POV
Nakabusangot akong nakatingin kay ate maya na busy sa ginagawa nyang tulips na gawa sa yarn. Grabe nag-effort talaga sya para lang magbati na sila ni ate Kian.
"Grabeng effort yan dai, hindi ko makeri yan" sabi ng katabi ko habang kumakain.
Hindi naman sumagot si ate Maya sa kanya at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Sana man magbati na sila ni ate Kian, grabeng effort na nilagay ni ate Maya oh.
Nagpuyat pa yan kagabi para lang manood ng tutorial sa paggawa ng tulips gamit yung yarn. Ni tamad nga yang magtahi, tapos ayan nagtitiis gumawa ng tulips.
"Ayan tapos na," nakangiti nyang sabi bago pinakita sakin yung nagawa nya.
"Maganda ba, bunso? Sa tingin mo tatanggapin nya"
"Energetic natin ah, pero oo, tatanggapin nya yan, babangasan ko sya kung hindi. Grabeng effort na nilagay mo dyan eh, sinacrifice mo na pati pagtulog mo para manood lang ng tutorial kung pano gumawa nya" sagot ko sa kanya.
Napakamot nalang sya sa batok dahil sa sinabi ko bago natawa, hala ka nabuang na nga sya.
"Bakit ba ang effort mo dai? Aminin mo nga may gusto ka ba sa womanizer nayun? Like duh, dapat nga magsaya ka dahil lunalayo na sya sayo eh, wala ng piste sa buhay mo. Pero iba ka eh, gusto mo pang nandyan sya"
O-oww, nahuli si ate Maya don, may hawak na ebidensya kaya hindi nya na maid-deny. Ano na ngayong gagawin mo, ate maya?
Halos hindi na ako makahinga kakapigil ko sa tawa ko. Nagsimula na kaseng pawisan si ate Maya, idagdag mo pa yung pilit nyang ngitu, ay naku natatawa ka talaga.
"Ahm h-hindi ah, alam mo namang kaibigan ko na yang si ian simula grade 4, hindi lang ako sanay na," umiwas ng tingin bago kinagat yung ibabang labi. "Ah hindi sya namamansin, oo yun nga"
Ahh yan ang pinaka-lame na excuse na narinig ko sa tanang-buhay ko. Kaibigan daw pero pinapangarap na maka-date sa future.
"Sus ano to? Ayy in denial pala" parinig ko kaya nakatanggap ako ng kurot galing sa kanya. "Aray" daing ko bago sya tinignan ng masama.
Ang sakit non ah.
"Aminin mo na kase ate, parang hindi kaybigan si Shane ah, deserve nyang malaman yung totoo. Na meron kang photo album ni ate kian sa kwarto mo dahil sa mga stolen pic at picture picture kunwari tapos itatago pala"
Sinamaan ako ng tingin ni ate maya dahil sa sinabi ko pero nginitian ko lang sya. Torpe eh, dapat ako na ang gumalaw para lumayag na yung barko ko.
Wala naman kaseng balak si ate maya na ilayag eh. Kaya ako na, Team Main ako eh, sorry ate mochi pero sinaktan mo kase si ate Maya.
"Stalker ka pala dai"
"Buang hindi, maniniwala ka ba talaga dyan kay bunso? May tama yung ulo nyan eh"
"Aray, grabe yun" ani ko habang nakahawak sa dibdib.
Stress na stress na si ate Maya sakin napapahilot na sya sa sintido nya eh. Haha dine-deny pa kase, pwede naman nyang aminin eh.
"Pero totoo dai, may gusto ka talaga kay Kian no? Wala nang halong biro, aminin mo na"
"Wala na, na-corner na" sigaw ko kaya nakatanggap na namang ako ng kurot galing sa kanya.
Nakakailan kana ha.
"Ang ingay mo, nasa library tayo" bulong nya sakin bago ngumuso.
Ano namang tinuturo ng isang to? Lumingon ako sa likod ko bago para lang salubungin ng nakatayong si Apuli. Nakayuko sya ngayon habang nakatingin sakin, ang tangkad kase.
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomantikIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...