Justina POV
Nakaupo ako ngayon sa table ko, busy sa pag-type sa laptop dahil sa tambak na gawain. Naisipan ko kaseng tulungan si pres, wala na syang tulog tapos ganto pa bubungad sa kanya pagpasok sa office.
"Ayst bwesit"
Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla nalang pumasok si kian sa office para magmura.
Napasulyap pa ako kay pres kung ano ba yung magiging reaksyon nya, pero dedma kanya yung ginawa ni kian . Masyadong busy sa trabaho eh.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya pero nasa laptop parin ang atesyon.
Hindi nya nagawang sagutin yung tanong ko, umupo lang sya sa couch bago sinandal yung ulo nya sa sandalan.
"Mukhang malalim yung problema mo ah, ano ba kase yun?"
Mula rito sa kinauupuan ko, narinig ko ang mabigat nyang paghinga. At dahil sa kilala ko yang si kian, alam kong tungkol kay Maya ang prinoproblema nya ngayon.
"Tungkol na naman ba sa kanya?"
"Oo, grabe naman kase yung babaeng yun. Hindi ko talaga magawang matiis, gusto ko na talaga syang lapitan at humingi ng sorry," ani nya sabay kusot sa mata.
Bilang isang kaibigan, pinili kong itigil muna ang pagtapos sa gawain bago sya lapitan. Umupo ako sa tabi nya bago sya tinapik ng tatlong beses.
"Ano na naman ba kaseng problema? Akala ko last na yung grade 7 tayo? Tapos ito ka na naman, namomoblema" sermon ko sa kanya.
Bumuntong hininga lang sya bago hiniga yung sarili sa couch, dahil maliit lang yung nasipa pa ako ng loko.
"Hoy ano ba," saway ko bago sya hinampas ng ilang ulit. "Nadumihan na yung uniform ko," inis kong usal bago tumayo.
Pinagpagan ko yung parte ng uniform ko kung saan nya ako nasipa. Putik nayan, mukha na akong dugyot neto.
"Ano na naman bang problema dyan"
Pareho kaming natigilan ni kian sa ginagawa ng si pres na ang magsalita, nakatingin sya ngayon samin, tumigil na din pala sya sa ginagawa.
Nakatingin sya ngayon samin, nakakunot ang noo.
"Ito kaseng si kian may prinoproblema na naman" ani ko sabay duro kay kian.
"Tungkol na naman kay Maya"
Hindi na kami nagulat dahil alam nya, kaybigan din namin yan eh. Introvert at nonchalant man yan, pero pagsalabas na kami ng paaralan wala ng respe-respeto, tropa tropa lang. Pero dahil nandito kami sa school, need naming magbigay sa kanya ng respect.
"Oo, broken na naman" ani ko sabay tawa.
"Masyado ka kaseng torpe"
"Oww," napatingin nalang ako kay kian na ngayon ay nakasimangot na. "Natamaan ka don no haha, para naman talaga kase sayo yun"
"Nagsabi yung palihim na nagseselos kapag may kasamang iba yung kabardagulan nya"
Napangiwi nalang ako sa sinabi nya bago sya hinampas ng malakas sa braso.
"Iba na yun, hindi ako nakailag"
"Haha"
Napatingin nalang ako kay pres ng bigla itong tumawa. Mahina lang pero rinig na rinig ko, tawa ba naman ni pres yan eh. Parang medisina na namin yan, minsan lang marinig pero nakatanggal ng pagod.
Yung tawa nya ay parang special stones, mahirap hanapin kaya malaki ang halaga.
"Wow, love tumatawa kapa pala"
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomanceIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...