Gianna POV
Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulong ko dahil sa isang mabigat na bagay na dumagan sakin. Minulat ko yung mata ko bago tinignan yung pinanggalingan ng mabigat na bagay.
At don ko nakita si miss Catacutan, mahimbing na matutulog, pero napansin ko lang ang pagyakap nya sa sarili. Halatang giniginaw, kaya para makatulong sa kanya. Hinubad ko yung suot kong jacket bago yun binalot sa kanya.
"Masyadong maingay ang isang to," bulong ko bago nilagay sa kanya yun jacket, pero habang nasa kalagitnaan ako ng pag-ayos non, isang kamay kamay ang humila sakin dahilan ng pagyakap ko sa kanya.
"Hindi tama to," ani ko sa sarili bago pinilit na kumawala galing sa pagkakayakap nya pero mas lalo nya lang hinigpitan yun ng ng sinubukang kong alisin yung kamay nya.
"Miss Catacutan," tawag ko sa kanya pero parang wala syang naririnig, siniksik nya lang yung ulo nya sa leeg ko. Dahilan ng pagka-ilang ko, hindi ako sanay sa gantong posisyon.
Hinayaan ko muna syang nakatulog ng mahimbing bago tinangaggal ang pagkakayakap nya sakin. Ang higpit ng yakap nya, ayaw nya talaga akong bitawan, pero sa huli nagawa ko paring tanggalin ang pagkakayakap nya.
Giniginaw ako, nanginginig yung katawan ko at hindi yun mapigilan. Sa madaling salita meron akong dinadamdam pero mas pinili kong pumasok ng dahil nag-aalala ako na baka nawala nya yung project namin. At tama nga yung kutob ko.
"Sinong burara satin ngayon," nanghihina kong usal, pinili ko nalang na sumandal sa pader kesa humiga. Sa posisyon yun, pwede ko syang ipahiga sa lap ko para hindi na sya mahirapan.
Malalim ang mga paghinga ko, hindi parin talaga kaya ng katawan ko kahit halos tatlong araw na akong nagpahinga. Hindi na ako makatulog, malamig yung silid, tahimik, wala akong ibang marinig kundi ang tunog ng aming paghinga.
"Hindi ako makatulog," bulong bago ipinikit yung mata. "Babantayan nalang kita, para walang kumuhang multo sayo," dagdag ko pa.
Hindi ko alam kung narinig nya ba ang mga sinabi ko, dahil pagkatapos kong sabihin yung huling sentence ay naramdaman ko na naman ang yakap nya sakin. Napangiti na nalang ako dahil sa ginawa nya, hindi halatang matatakutin sya.
Sheila POV
Oo na nakakahiya na tong ginagawa ko, dikit ako ng dikit sa taong nagpapakulo sa dugo ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ayaw ko namang mag-isa sa kwartong to kung saan usap-usapang may gumagalang multo.
Dibale pagnakalabas na kami, balik na ulit sa dati, aayawin ko ulit sya. Mag-aagawan ulit kami ng pwesto sa top at iba pa. Pero ngayon tiisin ko muna tong hiyang nararamdaman ko.
"Gising kapa no? Grabe yung kapit mo sakin hindi halatang natakot sa multo," ani nya pero hindi ako sumagot.
Like duh, kahihiyan yun sa kagaya kong may self-respect. Hayaan mo syang mag-ingay dyan, okay lang na asarin nya ako, dahil matitiis ko pa yun. Pero yung malaman nyang gising ako. Ayy hindi ko keri yun, madedeads talaga si me.
"Bakit ba kase kaylangang ma-stock pa kami sa dance studio nato? Ang ganda nga ng paaralan tapos hindi pa paipagawa yung doorknob, grabeng kuriputan yan," reklamo ko pero syempre sa isip lang, baka marinig nya eh.
"Sorry kung kaylangan mo pang madamay sa gulong to," ani nya na nakakuha sa atensyon ko, gising parin pala sya. "Hindi na mauulit ang problemang to," dagdag nya bago nagbitaw ng malalim na paghinga
"Bakit sya humihingi ng tawad? Ni wala naman syang kasalanan? Kasalanan ko rin naman to eh, kung nanatili ako sa room at hinayaan syang mag-isa ede sana nakauwi na ako, ede sana hindi ako naghihirap ngayon. Pero wala eh, sinunod ko parin talaga yung sinasabi ng utak ko, kaya ayan magdusa ka." Ani ko sa sarili habang pilit na pinapatulog ang sarili.
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomantikIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...