Third person POV
Nagpapalitan ng masamang tingin ang dalawa at walang may balak na sumuko. Habang yung tatlo naman sa gilid ay nakatingin lang sa kanila, hinihintay ang susunod na gagawin ng lalaki.
"Alam mo miss ang sama ng ugali mo"
"Matagal ko nang alam yan, nahuli kana sa balita"
"Pwede ka namang magsabi sakin na ayaw mo diba? Bakit kaylangang bastos yung approach mo?"
"Ehh bakit ka kase pabibo at bigla bigla nalang naglalapag ng pera? Disesyon ka? Feeling mo ikina-gwapo mo yan, oii manong, nagm-mukha ka lang desperadong makakuha ng babae"
Nagsimula na naman silang magtalo, hanggang sa tuluyan na ngang mapikon yung lalaki. Kinuha nya yung isang baso na nakapatong sa lamesa bago yun sinaboy.
Pero hindi kay Sheila nasaboy yung tubig kundi kay Maya na ngayon ay nakaharang sa harap nito. Agad na napatayo sina Shane at Gianna sa nakita. Lalo lang din uminit yung ulo ni sheila kaya tumayo ito bago sinampal yung lalaki.
"Ang kapal mo," sigaw ni Sheila bago nilapitan si Maya para icheck kung okay lang ito. "Ate Maya, okay kalang ba? Gosh basang basa ka" nag-aalala nitong usal.
"Haharang-harang ka kase," ani ng lalaki na ngayon ay nilalayo ng waiter sa mga dalaga.
"Halika dito para masapak kita," ani ni Sheila bago lumapit sa lalaki at pinaghahampas ito.
"Ano ba, tumigil kana," inis na usal ng lalaki habang sinasalo yung mga hampas ni Sheila. "Sabing tumigil ka," ani nya sabay tulak kay Sheila.
Mabuti nalang at nakatayo si Gianna sa likod ni Sheila kaya nasalo sya nito. Binigyan sya ng sulyap ni Gianna bago ito pinatayo. Matapos non ay nilingon ni Gianna yung lalaki, tinitigan ito gamit ang walang buhay nyang mata.
"Ano grabe ka makatingin ha, gusto ikaw nang isunod ko," mayabag nitong usal bago umambang susuntok pero pinigilan sya ng waiter.
"Tama na po sir, nakakaistorbo na po kayo" pag-awat ng waiter.
"Bitawan mo ako," inis na usal ng lalaki bago tinulak yung waiter.
"Ayaw mo ha," inis nitong usal bago sinampak yung waiter dahilan ng pagkatumba nito at masama pa, pumutok pa yung gilid ng labi nito.
"Sinabihan na kita," inis nitong usal bago inayos yung manggas ng damit nya. "Ikaw halika dito, sasama ka sakin. Pakipot ka pa alam ko namang gusto mo din ako" ani nya at lalapitan na sana si Sheila ng harangan sya ni Gianna.
"Tabi" bulyaw nya kay Gianna pero hindi nagpatinag yung dalaga. "Ayaw ko ha," usal nya at sasapakin na sana si Gianna pero nasalo nya lang yun.
Gulat syang tinignan ng lalaki at pilit na tinatanggal yung pagkakahawak ni Gianna sa kanya pero ayaw talaga syang bitawan ng dalaga.
"Bitawan mo ko" galit nitong sabi at sasapakin sana ulit si gianna gamit naman ang isang kamay pero pinilipit sya ng dalaga.
"Ahh" daing nito
Sinipa ni Gianna yung likod ng tuhod nya dahilan ng pagluhod nito. Don na hinawakan ni Gianna ang pareho nyang kamay bago tuluyang pinatumba yung lalaki.
"Wag ka ng pumalag, masasaktan kalang" walang buhay na usal ng dalaga bago hinigpitan yung pagkakahawak sa lalaki.
"Waiter, tumawag ka ng security" utos ni Gianna.
Agad namang tumayo yung waiter at sinunod yung utos ni Gianna. Mamaya-maya ay bumalik na yung waiter kasama yung mga security.
"Ayan sya, kunin nyo," utos ng waiter na agad namang sinunod ng mga security.
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomanceIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...