chapter XIII

141 5 1
                                    

Maya POV

Kakatapos lang naming mag practice ni Ian sa pag-gitara at pagkanta na din. Nakiusap kase syang mag stay ako kaya here I am, nakaupo parin sa tabi nya hinihintay na syang matapos sa pagliligpit ng gitara'ng ginamit nya.

"Bored ka na ba dyan, uyab, gusto mo kantahan kita habang nagliligpit ako" ani nya habang yung atensyon ay sa pagpasok ng gitara sa sisidlan nito.

Mula dito, kitang kita ako ang tamis ng ngiti nya na kanina pa hindi mawala-wala sa kanyang labi. Parang ang saya nya ngayon araw ah.

"Wag na, baka mapaos kapa, meron ka pang darating na performance next week, masama na baka hindi ka maka-perform, ako pa sugurin ng mga babae mo" pabiro kong usal bago tumingin sa harap kung saan nakapwesto ang malaking salamin.

Nagtataka nga ako bakit may salamin dito eh, diba dapat sa mga dance room lang yun?

"Hindi yan, takot ka ba sa mga yun," ani nya bago tumawa "ehh ikaw naman talaga yung original, kaya kaya mo yung mga yun" dagdag nya habang nakatingin sakin.

"Sus dadagdagan mo pa yung problem ko," usal ko bago kinuha yung camera na nakalagay sa bag ko.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya bago walang pasabing hinila sya palapit sakin, halata sa mukha nya ang gulat dahil sa ginawa ko, pero ito lang yung sinabi ko.

"Ngiti ka naman dyan miss womanizer" ngiting sabi ko.

Pero ngumisi lang sya bago ako nilingon, "akbayan mo nalang ako, tapos ganto pose natin" ani nya sabay nguso.

Natawa nalang ako dahil sa sinabi nya, puro kalokohan nga naman talaga yung alam ng isang to. Pero para wala ng ingay ginawa ko nalang yung gusto nya. Pinatong ko yung braso ko sa balikat nya bago sya hinila palapit sakin.

"Ohh nguso na" sabi ko na agad nya naman ginawa.

*Click*

Lumayo na ako sa kanya para tignan yung litratong nakuha ko, isang matamis na ngiti lang ang lumabas sa labi ko ng makita yung kinalabasan.

"Tignan mo ang cute natin together," ani ko bago pinakita sa kanya yung picture. "Parang mag shota lang ang ataki" pabiro kong sabi sabay tawa, bago tinitigan ulit yung picture.

"Shota naman talaga kita eh, uyab na nga yung tawag ko sayo" ani nito dahilan ng paglingon ko.

"Uyab ko mukha mo, isasama mo pa ako sa collection mong loko ka," reklamo ko bago tinago yung picture sa bag. "Ip-pose ko to mamaya tag nalang kita" usal ko bago naglakad papunta sa pinto.

Nang mapansin ko na hindi sya sumunod sakin ay agad akong huminto bago sya nilingon.

"Ano na uyab? Halika na" natatawa kong sabi bago lumabas. Pano ba naman kase hindi mabili yung reaksyon nya.

(The photo)

(The photo)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Academic Rivals: A Collision of HeartsWhere stories live. Discover now