chapter XXII

93 5 4
                                    

Third person POV

Nakatayo parin si sheila sa harap ng dalaga nag-aalangan na hawakan ang natutulog. Naka-extend na yung kamay nya, ready ng mangalabit pero hindi parin nya talaga matuloy-tuloy.

"Ahh, wag na nga lang," bulong nya sa at ibababa na sana ang kamay ng hawakan yung ni gianna.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni sheila dahil sa biglang paghawak at paghila sa kanya ni gianna. Nilapit ni Gianna yung mukha nya sa tenga ni sheila bago bumulong.

"Anong ginagawa mo dito," bulong ng dalaga sa tenga mi sheila.

Dahil sa lapit ng dalaga kay sheila, yung binubuga nitong hangin ay diretsyong dumampi sa balat ng dalaga na naging dahilan ng mapupula ng pisnge ni sheila. Idagdag mo pa yung boses nyang parang nang-aakit at yung hiningang nyang amoy mint. Lalong nawala sa sarili si sheila dahil don, ni hindi na magawang magsalita.

"Naririnig mo ba ako, bakit ka nandito, tapos na ba yung klase?" Sunod sunod na tanong ng dalaga na magpabalik kay sheila sa sarili.

Nang makabalik na sya sa sarili ay hinila nya agad yung kamay nya sa pagkakahawak ni Gianna bago lumayo. Tinignan nya si gianna na ngayon ay inaayos yung pagkakaupo. Napahawak nalang din sya sa tenga nya ng maramdamang umiinit yun.

"Baliw na talaga sya," bulong nya bago inayos yung tindig, "i-ikaw nababaliw kana talaga no? Bakit kaylangan mo akong hilahin ha?pwede ka namang magtanong kahit hindi ako hinihila ah," reklamo nya habang nakaduro kay gianna na ngayon ay walang pake sa sinasabi nya.

"Sagutin mo nalang yung tanong ko pwede," malamyang usal ni gianna bago sinubukang tumayo. Nang makatayo na sya ay don nya lang nilapitan si sheila na ngayon ay umaatras dahil away nyang mapalapit kay gianna.

"O-oo, oo na sasagutin na," sigaw ni sheila habang nakapikit, pinapakiramdaman yung paligid. Nang malaman nyang hindi tumuloy si gianna sa paglapit sa kanya ay don lang nya minulat ang mata nya.

Don nya nakita si gianna na kinukuha yung jacket na nakapatong sa upuan sa gilid. Nakaramdam naman ng pagkahiya si sheila dahil sa nangyari.

"Feeling ka, Sheila" usal nito bago sinundan ng tingin si gianna. "Anong ginagawa mo?" Tanong nya sa dalaga.

Binigyan sya ng sulyap ni gianna bago sinuot yung jacket nya, tumayo sya ng tuwid bago hinarap si sheila.

"Aalis na," tipid na sagot ng dalaga at maglalakad na sana papunta sa pinto ng makaramdam sya ng matinding pagkahilo.

Nakahawak nalang sya sa noo nya, ilang beses na nagpagewang-gewang hanggang sa tuluyan na syang natumba, at dahil nasa harap nya si sheila. Nadamay si sheila aa pagkatumba nito. Napapikit nalang ai sheila dahil impact ng pagbagsak, napadaing din sya dahil don. Nang makarecover sya sa pagkatumba, minulat nya ang mata nya para lang makita ang  mamimilipit na mukha ni gianna.

Kitang kita sa mukha nito ang paghihirap, halatang may dinadamdam. Matapos pagmasdan ni sheila ang mukha ni gianna, sinubukan nya namang kumawala sa pagkakadagan sa kanya ni gianna. Pero dahil sa bigat ng dalaga hindi manlang nya ito naitayo.

"Putik, ang bigay nya," bulong nito bago pilit na tinutulak si gianna. "Hey, tumayo ka nga, ang bigat mo" reklamo nya. 

Kahit nahihirapan, pinilit na tumayo ng dalaga pero sa huli ay bumagsak parin ang katawan nito, malaking tulong nalang na naitukod mi gianna sa tamang oras yung kamay nya, dahil kung hindi sa mukha nya ni sheila babagsak.

"Gosh ang lapit ng mukha nya," ani ni sheila sa sarili habang nakikipag-palitan ng tingin kay Gianna. "Ang lapit, ramdam ko na yung hininga nya mula dito, putik nayan," dagdag pa nya.

Academic Rivals: A Collision of HeartsWhere stories live. Discover now