Shane POV
"Good morning mga dai, wala kayong energy ah, umagang-umaga nakabusangot kayo, smile naman dyan," masigla kung usal bago nilapitan si Sheila.
Sinalubong ako ng masama nyang tingin na lagi naman nyang suot-suot. Pero imbes na matakot sa mga tingin nya, sumayaw lang ako sa harap nya. Lalong sumama yung tingin nya sakin pero hindi ako tumigil, bahala sya dyan.
"Ano ba," inis nyang usal bago ako tinulak.
Natawa nalang ako dahil sa itsura nya, galit na galit gustong manakit. Nanlilisik na yung mata eh, gigil na sya sakin.
"Aalis ka o sisikmuraan kitang bruha ka," galit nyang usal.
"Oo na, titigil na grabe naman sa sisikmuraan, nakapa-violet mo girl"
Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Dahil siguro sa word na violet na sa sinabi ko. Napa-perfect ng babaitang yan eh, alam kong pupunain nya yun.
"Anong violet?"
"Violet, hindi mo alam, mapanakit yun sa tagalog, violet" paliwanag ko.
Yung kaninang nakakunot na noo bumalik sa masamang tingin eh. Haha cute ng reaksyon.
"Violent yun, hindi violet," paglilinaw nya sakin na ikinatango ko.
"Pareho lang yun," sagot ko.
"At panong naging pareho yun?"
"Ehh diba kapag naging violent ako sasaktan kita, tapos kunwari sinakal kita diba? Ehh pag mahigpit yung pagkakasakal ko ede magiging color violet ka," paliwanag ko sa kanya bago kunuha ng papel at ball pen.
"So try nating iconnect yung word na violent sa violet, yung pinagkaiba lang nila ay yung letter sa huli dahil yung violent may 'nt' habang yung violet ay 't' lang meron. Ang formula lang dyan at icancel 'viole' tapos maiiwan yung 'nt' at 't' diba ngayon maghanap ka ng letter na meron sa dalawa which is 't' so ic-cancel mo din yun. Ngayon yung letter 'n' nalang yung natitira, pang-ikang letter ba sya sa alphabet?" Tanong ko sa kanya.
Bumuntong hininga naman sya bago sumagot. "14" tipid nyang sagot na ikinangiti ko.
"Okay so 14, so yung 14 nayan naghahanap tayo ng number na pwede i-divide dyan. So 14 i-divide sa 7 ede 2 yung natira? Diba 2, si ito na yun v=2 yan ang sagot. Ibig sabihin violent and violet is equals to v=2, which mean if naging violent ako magiging color violet ka. And that's how it works simpleng mathematics and science lang ginamit ko dyan," proud kung sabi habang nakapamewang pa.
"So kahit magulo yung explanation ko may punto parin, dahil napatunayan kong may koneksyon sila. Naiintindihan mo na ba? O dapat ko pa bang i-explain ulit?"
"Ikaw," inis nyang usal bago tumayo.
Kaya bago pa ako maabutan ng babaitang yun tumakbo na agad ako palabas ng classroom.
Narinig ko pa yung sigaw nya mula dito, sinasabing bumalik ako. Pero bakit ko naman sya susundin diba? Alam kong kukurutin ako nyan eh.
"Bumalik ka dito,"sigaw nya ulit, hehe sige pa, habol inday.
"Ouch," natigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang daing nya, syempre lumingon ako para malaman kung anong nangyari.
Gagi si inday nabangga si pres tapos ngayon pareho silang tumba, bali ganto yung pwesto nila. Si pres nakaupo tapos si Sheila nakapatong sa kanya, nakahawak pa sa balikat yung dalawang kamay nya.
"Ayy abaw, inday ano yan?" Ani ko bago lumapit sa kanila.
Dahil siguro sa hiya, bigla nalang tinulak ni sheila si pres bago tumayo. Walang hiya talaga, hindi manlang tinulungan yung tao.
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomanceIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...