Shane POV
Sa dinami-dami ng pwedeng bagsakan ng kamalasan, bakit ako pa? Nung umulan yata ng kab*bohan at kamalasan walang nag-inform sakin na sumilong eh.
"Nakabusangot ka na naman" ani ng katabi ko na walang tigil sa pagtingin sa cellphone nya habang pangiti-ngiti.
Binigyan ko lang sya ng matalim na irap bago inayos yung paper na nakalagay sa desk ko. Paborito talaga ako bigyan ng madaming trabaho ni Justina nayun, sarap kurutin.
Nakarehistro ngayon sa mukha ko ang pagkairita habang binubuklat yung papel. Napansin din siguro ni inday baduday yun kaya binitawan nya yung cellphone nya para harapin ako.
"Problema mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa dyan sa pagmumukha mo" ani nya bago kinuha yung isang papel na nakapatong sa desk ko. "Wow, kaya naman pala, daming aayusin ah" natatawa nyang sabi bago yun binalik.
"Hehe oo nga eh, sarap ngang manapak ngayon sa totoo lang" sarcastic kong sabi bago hinampas yung mga papel. "Ahh lintik nayan, kakatapos lang ng exam ito naman yun pumalit" ani ko bago siniksik yung ulo sa desk, dahilan ng pagkahulog ng ibang papel.
"Bakit hindi ka magpatulong don sa CRUSH mo, baka may maitulong sayo" suggestion nya dahilan ng pag-irap ko.
"Busy yun, sya yung pina-check ng test paper ng ilan sa mga guro natin, tapos idagdag mo pa yung recruitment na magaganap mamaya sa dance club. Wala nang time yun para tulungan akong mag-revise" mahina kong sabi habang bagot na nakatingin sa kausap ko.
"Alam na alam, pero bakit hindi mo subukang humingi ng tulong kay ate Maya, malay mo tulungan ka. Secretary naman sya ng student council 'di ba?" Tanong nya sakin habang nasa cellphone ang tingin habang ngumingiti.
"Busy din yun sa darating na art contest" walang gana kong sabi bago umayos ng upo. "Bakit hindi nalang ikaw, tulungan mo naman ako oh" ani ko sabay nguso.
Binigyan nya naman ako ng sulyap bago binalik ang tingin sa cellphone.
"Sorry may date kami ni Dustin eh" mayabang nyang sagot habang nakangisi.
"Tsk ede wow, sana all pa-date date lang" taas kilay kong sabi bago inayos yung nakakalat na papel.
"Sorry dai, next time nalang" ani nya bago tumayo. "Una na ako nandyan na sya eh" paalam nya bago umalis.
Iniwan nya ako sa classroom naming nakasimangot habang nililigpit yung nagkalat na papel, ang sama talaga. Matapos ligpitin ang mga papel, napag-disesyonan kong puntahan si Justina sa office. Habang naglalakad nakikipag-palitan ako ng plastic na ngiti sa mga nasasalubong ko. Wala akong gana eh.
Nakarating na ako sa office, hindi na ako kumatok at pumasok nalang, which is mali. May kausap pala sila sa loob and ako ang nagmumukhang walang modo dito. Gulat akong nakatingin sa kanila, hindi magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.
"O-oww mabuti naman at dumating kana" sabi ni Justina bago tumayo sa upuan nya para lumapit sakin. "Thank you sa pagdala ng mga papelis miss treasurer" ngiting sabi nya bago kinuha sa kamay ko yung papel.
Sinundan ko lang sya ng tingin, nakakunot nalang ang noo ko ng makitang nakapambahay lang sya. Lumabas ang mapanglokong ngisi sa labi ko bago kinuha yung cellphone ko.
*click
Tinignan ko yung picture na nakuha ko at namula nalang ng makita yung mukha nya don. Well I didn't expect her to be that good.
(Photo)
YOU ARE READING
Academic Rivals: A Collision of Hearts
RomantikIn an amusing academic tale, Sheila and Gianna found themselves in a fierce competition for the first spot in their class. Sheila, a young woman filled with anger towards Gianna, her academic rival, had a misunderstanding that sparked their rivalry...