Ilang buwan na ang lumipas nung mag-usap kami ni Rain. Matagal tagal na din. Naging ka-close ko na si EM, at nakikita kong hindi siya seryoso sa pagpapa-cute sa akin.
Malapit ko na matapos tong plan ko for Andy. Close nadin kami ni Andy, she's like a sister to me already.
Ilang buwan nalang din, matatapos na ako mag-aral. Magagawa ko na yung dapat ginagawa ko. Magiging free na din ako. Napangiti ako, sana nakikita ni mommy at daddy to.
"Ash." Tawag ni EM sa akin, nginitian ko siya.
"Kamusta na EM?" I asked.
Ilang araw ko din kasi siya hindi nakakasama. Alam ko, nagbonding sila ni Andy, syempre, si Andy ang nagsabi nun.
"Okay lang. Nakakapagod nga eh. Layo nung byahe, pero enjoy naman." Nakangiti niyang sabi.
Gusto ko na tapusin to. Ngayon ko na tatapusin ang plano ko.
"Buti naman nag-enjoy ka kasama si Andy." Nakangiti kong sabi, nagulat naman siya.
"H-how'd you know? Nakita mo ba kami umalis?" Gulat niyang tanong.
Natawa naman ako sakaniya."Andy told me. Alam ko naman na may relasyon kayo." I said.
Nag-smirk siya.
"Buti naman may sinabihan pala siya." He said.
"Bakit naman?"
Napabuntong hininga siya. Feeling ko umaayon naman sa plano ko ang lahat.
"She kept our relationship as a secret. I don't know why, but I'm happy she told you. Atleast may nakaalam bukod sa aming dalawa." He said.
Halatang masaya siya. Halata din na matagal na niyang gusto may makaalam ng relasyon nila. Si Andy kasi, ayaw pa. Medyo takot mahusgahan at masaktan. Pero nasasaktan din naman siya sa pagtatagong ginagawa niya.
Napailing tuloy ko. Haaaay.
"Bakit Ash?" He asked.
I stared at him at mukhang nagtaka naman siya.
"Do you love Andy?" I asked straightly.
Natigilan siya, at hindi umimik. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin.
"You know what? If you don't love her, I'll just tell her to break up with you. Wala siyang mapapala sayo." Naiinis kong sabi.
Bigla naman siyang umimik. Takot din naman pala.
"Teka lang naman. Huwag kang ganyan Ash. I don't want to let her go. I.. I.. I l-l-lo-ve h-her." Nauutal niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Dear Lovebeat
Nonfiksi"Experience is the best teacher" I believe in that saying/motto. Lahat ng tao, nakakaranas ng sakit sa pag-ibig, problema sa pamilya, stress sa school, pagod at hirap ng buhay. At dahil sa mga karanasan nating yan', natututo tayo. Totoo yun, dahil m...