Chapter 25

12 1 0
                                        

WILSON'S POV

Ito ang last day namin dito sa Baguio, kaya naman sinulit na namin ni Seirril, para maaga kaming makauwi.

Nagpunta kami sa Botanical Garden, nagpicture taking at sumakay kami sa kabayo. Tuwang-tuwa si Seirril. Pinikturan ko siya kasama ang kabayo, at nagpapicture kaming dalawa kasama ang kabayo.

Pumunta kami sa Burnham Park, MinesView Park, at sa marami pang pwedeng puntahan at pasyalan sa Baguio. Sobrang nag-enjoy si Seirril, ang dami naming pictures, kasama niya din ang mga tito at tita niya sa mga pictures.

Pagkatapos nun ay kumain kami sa isang Italian Restaurant ng lunch, nagkwentuhan lang kaming magkakabarkada at pagkatapos noon ay nag-ayos na kami para makauwi na sa Akenon.

Sa sobrang pagod siguro ni Seirril ay nakatulog siya sa byahe. Mga 5pm ay nakarating na kami sa Akenon. Pag pasok ko sa Apartment ni Sei, may babaeng lumabas mula doon.

"Ah, excuse me miss." Tawag ko dun sa babae. Lumingon naman siya.

"Wilson?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Ah, I'm Jenny. Bestfriend ni Ash. Wala siya dito eh, nasa hospital. Sabi niya sumunod daw kayo doon." Saad ni Jenny.

Pamilyar nga siya sa akin, siya yung nakita kong kasama ni Seirra isang beses sa may canteen.

"Ah ganun ba? Sige." Sagot ko.

"Iwan niyo nalang yung gamit niyo dito, tapos sasamahan ko kayo sa ospital." Sabi ni Jenny, nginitian ko naman siya at pinasalamatan.

Pagkatapos ko iayos ang mga gamit namin ni Seirril, pumunta na kami sa ospital. Siguro may check-up si Sei ngayon sa doctor niya.

"Matagal ka na nakwento ni Ash sa akin eh. Pero, ngayon lang kita nakilala ng personal." Sabi ni Jenny.

"Kailan lang kayo naging magbestfriend?" I asked her.

"Since lumipat siya dito sa school. Naging classmates kami sa tatlong subject kaya, naging close kami. Nagkataon na naghahanap siya ng apartment, kaya sabi ko doon nalang siya sa apartment ko. Then, we became best of friends." Kwento niya.

"Oh. Do you know about our daughter too?" I asked her. She smiled at me.

"I know everything. Everything, na hindi mo alam. But, soon, you'll know." Makahulugan niyang sabi.

Napaisip ako sa sinabi niya. What does she mean about that? Curiosity is killing me.

Nakarating na kami sa hospital bago pa ako makapagtanong. Bumaba agad siya pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan. Bumaba nadin ako.

"Nurse, naandoon na ba si Ash Hamezio?" tanong ni Jenny sa nurse.

"Ah, opo ma'am. Naandoon na po siya. Kakapunta niya lang po doon." The nurse said. Jenny thanked her and faced me.

"Pumunta ka sa Pediatric Ward sa 2nd floor. Room 1679. Ako na muna bahala kay Seirril." Jenny said.

Naguguluhan man, ay sinunod ko nalang ang sinabi niya. Pumunta ako sa room na sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong mayroon dito, at kung bakit niya ako pinapapunta dito. But, I heard a voice.

"Tomorrow is your birthday, baby."

Pumasok ako sa room na yun at nakita ko si Seirril, with a little boy, na kamukhang-kamukha niya.

"When will I get out of here, mommy?" The little boy asked. Mommy? He called Seirra, mommy?

"Soon baby. I'll get you out of here soon. So you better drink your medicines so you'll get well already, okay?" Seirril said to the boy.

"Yes mommy." The boy said, napatingin siya sa akin at napakunot-noo.

"Daddy?" The boy said to me. Napalingon si Seirra sa akin at napatayo siya.

"R-rain." Gulat niyang tawag sa akin.

"What's this Seirra?" Naguguluhan kong tanong.

Who's that kid? Why did he call Sei mommy, and why did he called me daddy? I'm so confused and curious. What's going on?

Dear LovebeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon