Chapter 7

24 3 0
                                    

Kakatapos ko lang magbake ng cake, hinihintay ko lang si Seirra dahil gagawan niya to ng report.

Napangiti ako. Naiimagine ko yung mga panahong girlfriend ko pa siya. We've been together for 2 years and 5 months. Sa loob ng dalawang taon, masaya kami, mahal na mahal namin ang isa't isa. Hindi ko rin inaakalang, sa loob ng limang buwang paghihintay niya sa akin, ang isinukli ko pa ay yung pangiiwan ko sakaniya.

Sana naitama ko yung pagkakamali ko noon, sana hindi ko nalang siya iniwan.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman pinlano kong bumili sa canteen. Paglabas ko, nakita ko si Seirra na may kausap na lalaki. Sino yun?

"Masasaktan ka lang sa gagawin mo." Seryosong sabi nung lalaki.

Masasaktan saan? Nakinig lang ako sa usapan nila.

"Bahala na. Please, happiness ko din to." She said.

Masasaktan? Happiness? Ano kayang pinag-uusapan nila?

"Look, Ash. Alam kong malungkot ka, at nahihirapan. But, kung itutuloy mo tong plano mo, mas masasaktan ka lang." Worried na sabi nung lalaki.

Naguguluhan na ako sa pinag-uusapan nila. Sino ba kasi tong lalaking to?

Natahimik si Seirra.

"Look, hindi porket nakakatulong ka sa ibang tao, eh magagawa mo na sa sarili mo yun. Do you really need him? Nabuhay ka naman ng wala siya ah. Bakit pa?" Yung lalaki ulit. Bakit niya ba sinesermunan si Seirra?

"Let me do this, I know I'll hurt myself, but I just want to be happy kahit saglit lang. Please, kuya." She begged to her, kuya?

Yun yung kuya niya? Ngayon ko lang nakilala ang kuya niya. Nung kami pa kasi, palaging stories, and names lang ng family niya ang nakekwento niya.

"Bahala ka. But, be careful with your heart." She nodded and hugged her kuya.

Bumalik na ako sa loob. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan yung pinag-usapan nila. What plan? What happiness? Argh!!

Nasa malalim akong pag-iisip nung pumasok siya sa loob, bumati pa siya, na hindi ko naman binigyan pansin. May iniisip kasi ako.

Nawala yung ngiti niya nung binalewala ko siya, at dumiretso na siya sa table.

Pinanood ko lang siya magsulat at tumikim sa cake. I can see pain in her eyes. I don't get it.

Bakit ba ang lungkot-lungkot niya? Na para bang ang bigat-bigat ng dinadala niya, yung tipong pasan niya ang buong mundo. Nilapitan ko naman siya.

"Hey Seirra. May problema ka ba?" I asked her worriedly.

Dear LovebeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon