Chapter 13

10 1 0
                                        

Hindi ako pumasok ngayon. May mahalaga kasing bagay na dapat kong unahin.

"You fine now?" Kasama ko nga pala si Darren. Nginitian ko siya.

"Yes. Ikaw?" Tanong ko. Tumango-tango naman siya.

Naglalakad kami ngayon, pauwi na kami. Parehas lang kami ng inasikasong bagay, kaya magkasama kami.

"Why don't you tell him?" Biglang tanong niya. Napailing naman ako. He doesn't need to know.

"No need. He doesn't care anyway. He loves someone else now." Seryoso kong sabi, na may halong kabitteran. Eh sa nasasaktan ako eh. Ikaw ba naman maghabol ng 3 taon tapos balewala lang. Masasaktan kadin diba?

"Eh ikaw? Why don't you tell her?" Tanong ko sakanya. Siya naman ang umiling.

"She'll be hurt. And I don't want that to happen." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi ko inakalang magiging ganyan ka kasweet at kaprotective na boyfriend. People change talaga." Nakangiti kong sabi habang napapailing.

"Para mo namang sinabing hindi ako naging ganun sayo dati." Pagtatampo niya. Natawa naman ako.

"Exactly! Hindi ka nga naging ganun. Haha." Natatawa kong sabi. Napangisi naman siya.

"You were my first girlfriend that's why wala akong alam sa relationships that time." Depensa niya. Natawa ako lalo, kumunot naman ang noo niya.

"Sus. Oo na. Jinojoke lang kita. Naging sweet kadin naman eh, pero bihira lang. You don't like PDA pa nga eh. But, its okay, naging masaya naman ako." Nakangiti kong sabi.

Siya yung tipo ng lalaking, Hot and Cold. Minsan sweet, minsan naman hindi. Tapos, ang init ng ulo madalas. Ang hirap niya intindihin kasi napakatigas ng ulo niya, kaya away-bati kami. Pero kahit ganun, nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay at naiparamdam naman niya na mahal niya talaga ako. Kaya lang, syempre, he's not my destiny, we are not meant to be.

"Haha. Buti naman, akala ko hindi ka naging masaya sa akin eh." He laughed at ginulo yung buhok ko. Tumawa naman ako at inalis yung kamay niya sa ulo ko.

"Pero seryoso, tell her." Seryoso kong sabi. Bumuntong hininga naman siya.

"Its not easy. She'll be hurt." Malungkot niyang sabi. He really love her.

Dear LovebeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon