Chapter 22

7 1 0
                                    

Nakatulog si Seirril sa byahe namin kanina, pero nag-enjoy siya pagkadating namin sa Ocean Adventure.

Bumili kami ng family T-shirt, may tatak yun na 'I love Ocean Adventure', tapos bumili din kami ng Sea Lion hat, and Dolphin Stuff Toy. Bumili ako ng mug para sa amin ni Seirra, she loves coffee.

Nanood kami ng exhibition show ng the Velasco Family, may mga tricks silang ginagawa at sobrang namangha si Seirril.

Natuto din si Seirril about sa mga Sea Lions, and Dolphins. How to identify if its a girl or a boy. Kung ano ang kayang gawin ng mga dolphins and sea lions.

Nakakita siya ng mga animals like Snake, Bat, Owl, Mouse at iba't iba pa. She learned and enjoyed so much. After that, kumain kami sa convenience store malapit sa gas station.

Sa sobrang pagod ni Seirril nakatulog ulit siya sa byahe, papunta kaming Baguio, we'll stay there for three days dahil ang totoo niyan, nagkayayaan ang barkada ko na magpunta doon.

Dapat kasama si Seirra para maipakilala ko na siya sa barkada, officially as the mother of my child, kaso hindi siya sumama. Sayang.

Nakarating na kami sa beach house nila Charles. Kinuha ko na yung mga gamit namin at ginising ko na din ang cute na cute kong anak.

"Wake up now baby. Were here." Gising ko sakanya.

"Hmm. I feel sleepy daddy." Nakapikit na sabi ni Seirril, napangiti ako, ang cute talaga niya.

"But were here already baby. Wake up now so you can sleep comfortably in bed." I told her and she lazily stood up and went out of the car. I laughed with my daughter's actions.

Pumasok na kami sa hotel at nakilala naman ako agad ng receptionist. Pumunta na kami sa room namin which is the 3rd floor.

Pagdating doon, inayos ko na ang mga gamit namin dahil ang makulit na bata ay tulog na ulit. Hahaha. Ang cute talaga ng baby girl ko, she looks like her mom when she's sleeping.

Nagshower na ako dahil pakiramdam ko ang alikabok ko dahil sa byahe. Kakatapos ko lang magbihis nang,

*knock knock*

May kumakatok kaya naman binuksan ko ito, bumungad sa akin si Liz at Dea.

"Oy Wilson. Anong oras ka dumating?" Bungad na tanong sa akin ni Liz.

Dirediretso silang pumasok sa loob ng hotel room ko at umupo sa couch. Pumunta naman ako sa kusina at naghanda ng foods. Bumalik ako sa sala at nakita ko silang nag-uusap.

"So, anong oras ka nga dumating? Hindi ka manlang nagpakita muna." Mataray na sabi ni Liz.

"Hahaha. Sorry. Napagod kasi ako sa byahe kaya nagpahinga na muna ako." Sagot ko.

"Oh well. Papunta sila Charles dito. Namimiss ka na daw ni Lyka eh." Sabi ni Dea. Napangiti nalang ako.

"Yooooo. Wilson! Nandito ka na pala, di ka nagsasabi." Bungad ni EM sa akin.

"Oo nga, kung hindi pa sinabi sa amin nung receptionist, di namin malalaman." Saad naman ni Andy at umupo na sila. Inakbayan naman siya ni EM.

Dear LovebeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon