Nagpunta kami sa Carnival, malapit lang yun sa bahay nila Rain.
Ang daming rides, ang daming booths. Meaning, madaming pwedeng pagkaenjoyan! Yaayy!
Nakita ko yung Horror Booth. Deym! Gusto ko dun. Napatingin naman ako kay Rain, hmm.
"Hubby dun tayo sa Horror booth!" Excited kong yaya kay Rain.
Napakunot-noo naman siya, nagpipigil lang ako ng tawa. Cute ng hubby kooooo!! Hihihi.
"Yun talaga unang-una mong pupuntahan?" Nakakunot-noo niyang tanong. "Dun nalang tayo!" Sabay turo niya sa Piyesta Booth.
Ako naman ang napakunot-noo.
"Mas gusto ko sa Horror booth!" Pagpipilit ko. Umiling lang siya.
"Ano ka ba wifey. Nagpunta tayo dito para mag-enjoy. Hindi para magtakutan!" Sermon niya. Natawa naman ako.
"Edi inamin mo din! Natatakot ka lang. Hahaha. Tara na nga." Natatawa kong sabi sakaniya, sabay hinila ko siya papuntang Piyesta Booth.
"Goodafternoon Ma'am and Sir! Welcome to Piyesta Booth. Here are your tickets." Bati sa amin nung babae na naka-assign sa booth sabay abot ng tickets.
Nginitian ko naman siya at pumasok na kami ni Rain sa loob.
First challenge: Hit the cups.
Babatuhin lang ng bola yung mga cups tapos kailangan mapatumba lahat. May three levels.
First level: 3 cups
Second level: 5 cups
Third level: 10 cupsNauna na akong bumato, natamaan ko at natumba! Yes!
Madali lang naman yung first two levels. Medyo nahirapan kami dun sa third level kasi may natitirang 3.
"Ano ba yan. I can't hit the cups." Nababagot na sabi ko.
"Okay lang yan. Try harder." He said then smiled. I nodded.
After several minutes, nagawa ko din patumbahin. Binigyan kami ng couple keychain, as a prize.
Next naman is yung sa rubics. Kailangan mabuo mo yung rubics within 2 minutes, at dahil rubics 'to, alam na.
"Go. Kaya mo yan Hubby." Pagcheer ko sakaniya.
Yes, magaling siya sa pagbuo ng rubics.
After 1 minute tapos na niya, galing ng hubby ko no? Syempre.
"Galing mo talaga hubby." Masaya kong sabi sakaniya habang nakatingin dun sa sing-sing na prize.
Pumunta kami sa ibang stall, and dun kami sa may Harina. May 5 piso daw dun at kailangan makita gamit lang yung mukha sa pag-alis ng harina. Nagkatinginan kami ni Rain.
BINABASA MO ANG
Dear Lovebeat
Non-Fiction"Experience is the best teacher" I believe in that saying/motto. Lahat ng tao, nakakaranas ng sakit sa pag-ibig, problema sa pamilya, stress sa school, pagod at hirap ng buhay. At dahil sa mga karanasan nating yan', natututo tayo. Totoo yun, dahil m...