CHARLES'S POV
Matapos magkwento ni Wilson tungkol sa kanila ni Seirra at sa anak nilang si Seirril, nag-group hug kami. Nagpahinga na kami para bukas, dahil madami kaming pupuntahang lugar. Napansin ko na pagkatapos ng pag-uusap namin, naging tahimik lang si Lyka.
1:04 am na pero gising na gising padin ako. Hindi ako makatulog, ewan ko ba kung bakit. Pumunta ako sa rooftop, sa pool area, pero nagulat ako nung may makita akong babae. Nilapitan ko ito.
"Lyka..." Tawag ko sakanya, lumingon naman siya at binalik ulit ang tingin sa swimming pool. Tinabihan ko siya.
"Bakit gising ka pa? Umaga na ah." Saad ko.
"Hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit gising ka pa?" She asked.
"Hindi din ako makatulog eh." Sagot ko, hindi siya umimik pero nakita kong uminom siya ng beer.
Wait, beer?
"Hey!! Give that back!" She shouted dahil kinuha ko yung beer niya.
"Alam mo namang bawal 'to sayo." Kalmado kong sabi. She just sighed irritatingly.
Ininom ko yung beer niya. Matagal kaming natahimik hanggang sa binasag niya yung katahimikan.
"Sorry." She apologized. Nilingon ko naman siya.
"Bakit ka nagso-sorry?" I asked her.
"Kasi, I made a wrong decision three years ago. Kasi, nasasaktan ko pala kayo. Kasi, nasasaktan kita." Pahina ng pahina yung boses niya nung sinabi niya yun. Napangiti ako.
"You don't need to say sorry. I understand why you did that." I told her. Tipid siyang ngumiti.
"Yeah. Its just that, I like him so much, kaya I decided to ask my dad to arrange a marriage for me and Wilson. Hindi ko naman alam na may girlfriend pala siya that time. Desperada na kasi ako nun eh. And, besides, their company needs us. Kaya, pumayag ang daddy niya. I didn't know na may mga magbabago pala. May mga pagsisisihan ako sa naging desisyon ko." She said. Uminom ulit ako ng beer.
"Like what?" I asked.
"Like, my feelings for Wilson. I never thought na magbabago pala yun. Akala ko kasi, kapag nagkagusto ka sa isang tao, siya na yung panghabambuhay na kasama mo. Hindi pala. Because I realized..." She looked at me straight in the eye.
"Na may isang lalaki pa palang mas magugustuhan at mamahalin ko ng sobra." She seriously said.
"So, what are you trying to say now?" Inosente kong tanong.
"Charles... I.. I.." Nauutal niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Dear Lovebeat
Kurgu Olmayan"Experience is the best teacher" I believe in that saying/motto. Lahat ng tao, nakakaranas ng sakit sa pag-ibig, problema sa pamilya, stress sa school, pagod at hirap ng buhay. At dahil sa mga karanasan nating yan', natututo tayo. Totoo yun, dahil m...