Chapter 14

10 1 0
                                        

Nailibing na si Darren, pero sobrang tahimik lang ni Alexa. Hindi siya nagwala kagaya nung araw na mawala si Darren.

Okay nadin naman si Tita Danica at nakakaya niya kahit wala si Darren. Mas inaasikaso niya na din si Darl dahil only child nalang ito ngayon.

Si Darl naman, kinakaya niya din kahit wala ang kuya niya. Mahal na mahal niya ang kuya niya, kaya masakit din sa parte niya. Pero kinakaya niya din, para kay tita Danica.

Si Alexa, I haven't seen her after ng libing ni Darren. Masyado nga siyang tahimik at hindi talaga kumikibo. I know she's hurting so much.

At ngayon papasok na ako sa school, ang dami ko na namimissed na lessons sa school. Kaya naman, kailangan kong maghabol ng lessons. I was about to go to the library when someone hit me with a volleyball ball. Napaupo ako sa sakit.

"Oh. Natamaan yung loser. Hahaha." Sabi ng babae.

"Haha. Kawawa naman. Tatanga-tanga kasi eh." Sabi naman nung isa pa. Inangat ko yung tingin ko, it was some girls na naging kaklase ko sa isang subject, but nakita ko din si Alexa.

"Ano, Hamezio? Masakit ba? Kulang pa yan." She said at binuhusan ako ng tubig na malamig. Napayuko ako lalo. Nagtawanan naman sila.

"Seirra!" Sigaw ng boses sakin.

And, I just felt him hugging me.

Ilang araw na ang lumipas after nung incident dun sa gym. Lyka and Rain helped me.

Papunta akong music room dahil may practice daw kami. Ako ang leader ng banda kaya dapat maging responsable ako.

"Oh, anong ginagawa mo dito, Hamezio?" Bungad sakin ni Alexa. Siya kasi ang Vice-President.

"Magpa-practice." Plain kong sagot sakanya. Ngumisi naman siya.

"Magpapractice? Hindi ka na member ng grupong to." Nakangisi niyang sabi.

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan kong sabi, tumingin ako kay Fin, yung President. She just gave me a sad face.

"Alam mo naman na nasa rules natin na kapag hindi ka active, matatanggal ka na. And, two weeks kang hindi um-attend, so, you are removed from the group." Mataray niyang sabi at inirapan ako.

"Teka lang, I have my reasons." Natataranta kong sabi.

"Ano? Kasama mo ang boyfriend KO, at naglalandian kayo. That's the reason right?" Nang-uuyam niyang sabi.

"Alexa-"

"Enough! You're no longer part of the band, so you may leave now, bitch!" Sigaw niya sa akin. At masamang tumingin sa akin.

They all looked at me with pity. Ouch. I just left the room, wala na akong magagawa. Kasalanan ko naman eh, kung bakit hindi ako nakaka-attend. Hays.

Naging usap-usapan sa school ang tungkol sa pagkakatanggal ko sa banda. May mga nalungkot cause I'm one of the best members and officer, but may mga natuwa, yung mga ayaw sa akin.

Naiinggit tuloy ako sa mga dati kong ka-banda. Nagparada sila kahapon and kasama dapat ako, kaso wala eh, hindi ako kasama, hindi na ako parte ng banda eh. Nakakalungkot lang. Music is my life. Kalahati ng buhay ko, sa music nakatuon.

Nagdecide ako na mag-review nalang sa library dahil hindi ako masyado makahabol sa lessons. Ang dami ko kasing inaasikaso eh. Hays. Kaya lang, may nangyari habang naglalakad ako.

"Are you okay, Sei?" Tanong ni Rain. Umiling ako. Hindi ako okay. Ang sakit ng paa ko.

"Ano bang nangyari, Ash?" Tanong ni ate Jai, yung nurse ng school.

"Ah. Natalapid po kasi ako sa kahoy, then yun natumba ako sa butas." I explained.

"Ganun ba? Nasprain yung ankle mo eh. So, I suggest mag-rest ka muna for a week, you need to." Suggest ni ate Jai. I smiled at her.

"Okay lang po ako, kaya ko pa naman po." I said at pinilit tumayo kaya lang natumba ako.

"Hindi mo pa kaya, Sei. Mas okay na magpahinga ka nalang muna. Stressed out ka na din oh. Maputla ka nadin. You should rest." Worried na sabi ni Rain. I just nod. Maybe, I should rest.

Magaling na ako kahit papaano, one week akong hindi pumasok, super sakit talaga ng paa ko eh. Nag-aral nalang ako sa bahay, self-study. Nakakahabol na ako sa lessons kahit papaano.

Binigyan ako ng project ng principal, maganda daw kasi yung report na ginawa ko last time, kaya nagdecide siya na pagawain ako ulit ng report about sa baking. Ang kaibahan lang ako ang magbe-bake. Tsk.

"Uy, Ash. Kamusta? Long time." Bati ni Andy.

"Uy. Oo nga eh. Eto, sobrang busy. Pinapagawa ako ng report ng principal eh." Nakasimangot kong sabi.

"Haha. Kaya mo yan, Ash. Ikaw pa. Magaling ka dun eh diba?" Pangchicheer ni EM sa akin.

"Yeah. Pero kasi, magbebake ako. Huhu." Natawa naman si Andy sa sinabi ko.

"Oo nga pala. You hate baking right?" Natatawang sabi ni Andy.

"Super." Dismayado kong sabi.

"Okay lang yan, Ash. Goodluck sayo." Sabi ni EM and they smiled at me.

"Thanks." I said then they left.

Pumunta na ako sa Cooking Room and started baking, isasalang ko na sana sa oven yung cake nung biglang, naalala ko na naiwan ko yung notebook ko sa library. Lalabas sana ako para kunin pero, naka-lock yung pinto.

Biglang sumabog yung gas at kumalat yung apoy, and I was there stuck inside the room. I cried for help until, I lost my conciousness.

Nagising ako nasa Clinic na ako. Right. Ilang beses na ba ako napunta dito? Lagi nalang ako nandito. Hays.

"Ash. Buti naman at gising ka na." Worried na sabi ni ate Jai. I just faked a smile. Sana di na ako nagising.

"Sei. How do you feel? I was worried about you." Rain said then hugged me.

I looked at ate Jai who is actually looking at me with worry, sadness, and pity in her eyes.

Do I deserve this?

Dear LovebeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon