Chapter 6

190 44 13
                                    


HER'S POV

"Ako pa talaga ang pinili mong driver. Pasalamat ka at free ako ngayon." Pag-hahangin ni Gabby.

Just like Terrah, Gabby is one of my closest friend. Naging mag-kaklase din kami noong highschool and she was my first bestfriend way back then. Her life is almost perfect kung hindi lang sya nakapag-asawa ng lalaking hindi maka move-on sa ex.

Sa totoo lang bilang kaibigan, gustong gusto ko na syang sakalin. Naiinis ako kasi mabuti syang tao at hindi nya deserve na gaguhin ng isang lalaking hindi naman derserving para sa kanya. Kahit anong payo ang ibigay namin ay oo lang sya ng oo pero hindi naman nya ginagawa. Hindi ko alam kung ano bang nakita nya sa lalaking yon. Love is blind, ika nga.

"Were here." She announced.

"Thanks Gabby!" I waved at her bago ako bumaba ng sasakyan.

"I'll wait here, Fasch!" She said so I nodded in response.

Pagka-tapos non ay dumiretso ako sa loob ng isang kilalang kompanya. Wala itong pinag-bago sa loob ng ilang taon kundi lalo pang lumaki at lumawak ang mga produkto nito.

I entered the elevator and press the top floor button and waited.

After some minutes, I finally heard a 'ting' sound, Indicating that Im finally at my designated floor.

Nang bumukas ang elevator, agad akong hinarang ng dalawang nag-lalakihang lalaki. Marahil ay bantay ang mga ito sa palapag na kinaroroonan namin.

"Pasensya na Ma'am, pero bawal pong pumasok ang un-authorized personnel sa loob." Saad ng isa sa kanila.

"Ganon ba? May appointment naman ako." Pag-depensa ko naman.

"Maam medyo mahaba po ang pila sa appointment ngayon. Mangyari lang po na paki-antay nalang po na matawag kayo ng secretary-"

"This is an urgent matter." Kinuha ko ang wallet ko kung saan naroroon ang id ko at iniharap sa kanilang dalawa. "I am Faschia Dianara Perez, Police undercover. May kailangan ako kay Vladimir Ruskov Muiller."

Pag-kasabi ko non ay nag-katinginan sila.

"Saglit lang po Maam, tatawagan lang po namin si Sir." Sabi naman ng isa at bahagyang tumalikod habang nag-didial yata sa sa phone.

I pulled a stick of cigarette and lit it as I scan the whole place. Walang gaanong pinag-bago ang opisina ni Vladimir. Ang mga bago lang ay tao. Bago na rin ang mga gwardiya at mga empleyado. Namiss ko tuloy mag-trabaho dito.

A moment later, one of the guard approached me. "Pasensya na po kanina Ma'am. Pinapatawag na po kayo ni Sir sa Opisina nya po. Wag na daw po kayong dumiretso sa secretary para mag-log in. I-eescort na po namin kayo--"

"Wag na. Kaya ko na." Pag-putol ko sa sasabihin nya at saka dire-diretsong nag-lakad patungo sa opisina ni Vlad.

You can easily notice his office since there is only four rooms in this floor; the comfort room, his secretary, A huge bedroom and finally his office. Upon walking, nasalubong ko ang secretary nya. I smiled and waved at him.

"Grabe naman Steve, gumwapo ah!" Patungkol ko sa kanya. Natawa naman ito.

Si Steve ang pinaka-matagal na secretary dito, at ako ang nag-training sa kanya nong bago pa lamang sya sa kompanya.

"Ito naman si Ate, mana lang sayo. Ang angas ng porma natin ah? Haha Samahan na kita kay Boss." Sabi pa nya patungkol sa damit ni Leo na suot ko mula pa kagabi at saka ako sinabayang mag-lakad.

"How's your studies?" Patungkol ko sa pag-aaral nya. Noon kasing bata-bata pa yan, nag-part time sya dito bilang secretary ni Vlad para may pang-bayad ng matrikula. It's been a lot of years when I last saw him.

"Im currently taking a masteral's degree. Nag-tayo na din ako ng small business at maganda naman ang naging resulta dahil sa mga turo ni Boss. Kahit pa sabihin ng iba na mabubuhay na ko sa sarili kong negosyo, Ayoko pa din umalis dito. Kawawa naman si Boss pag nawala ako." Biro nya at sabay kaming humagalpak ng tawa.

"He still didn't change huh?"

"Oo nga po. Laging busy na tamad. Minsan nga ako na ang pinapaharap nya sa mga meeting. Naisip ko tuloy na kaya ako tinuruan ni Boss tungkol sa pasikot sikot ng business ay dahil para may kapalit sya pag tinatamad syang um-attend sa mga mahahalagang meeting and business trips." He joked.

"He's such a dumb*ss most of the time. Buti nalang talaga nag-resign ako." Saad ko na may konting biro. Totoo namang mahirap maging secretary ni Vladimir.

Nang marating namin ang pinto ng Opisina ni Vladimir ay nag-paalam na rin si Steve dahil marami pa daw syang appointment na pupuntahan at hindi daw makaka-attend ang Boss nya.

As usual, hindi na ko kumatok at pag-pasok ko ay nadatnan ko si Vladimir na nag...lalaro sa cellphone? He holds his phone in a landscape way. Seryosong seryoso sya habang nag-pipipindot at kunot na kunot pa ang noo.

"What brings you here?" He asked without looking at me.

Hindi ko napigilang ngumiti ng mag-salita sya. Walang nag-bago sa itsura nya. Gwapong gwapo ang lalaking 'to, matangkad at perpekto ang ilong, maputi at may natural na pula ang labi, makapal ang kilay at nakaka-halina ang abuhin nyang mata. Kung iisipin ay perpektong perkto na sya maliban na lang talaga sa isang kulang sa kanya, kabaitan.

Matagal na kaming mag-kaibigan at matagal-tagal na rin ng huli kaming nag-kita. Saksi sya sa lahat ng ka-dramahan ko sa buhay at sa love story namin ni Ma--, ni Batman. Ako ang taga-kain ng pagkaing bigay ng mga babaeng may gusto sa kanya kaya madalas ko syang ibugaw noon sa mga ka-school mate namin.

"Wow, grabe. You missed me so much! Im touched." Umakto pa ko na parang touched na touched nga.

"Im busy, can't you see?" Tipid na sagot nya, hindi pa din inaalis ang tingin sa cellphone.

Pumunta ako sa tapat ng table nya saka ko hinablot sa kanya ang cellphone at hinagis yon likuran bago itinukod ko ang dalawang kamay ko sa table nya. "May kailangan ako."

Nakita ko namang sumandal sya sa swivel chair at hinilot nya ang sentido na parang stress na stress. "You've been nowhere for years and you'll welcome me with that? What's the matter and what's with your outfit?"

Naglakad ako papunta sa sofa malapit sa kanya bago naupo. Humipak muna ako ng sigarilyo bago nag-salita. "May sindikatong nang-gugulo sa pamilya ng kaibigan ko. "

Napatitig sya sakin at nakunot ang noo. "What's with your outfit?"

I faked an awkward cough. "Don't mind me. As Im saying, Terrah's family was being attack by a terrorist name Keres, The ace of the underground."

Bigla syang humagalpak ng tawa. "Really? Ace of the underground? Tell me more." Saad nya bago nag sindi ng sariling sigarilyo.

"As of now, they have no Idea why they're being attacked. Someone from the said organization warned them."

"Never heard much about this Keres sh*t. Now, what do you want me to do?"

Ayan ang gusto ko sa kanya. Madali syang kausap.

I gave him a playful smile. "We're going to play..."


***************

To be continued....

Esoteric RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon