HER'S POV"There." Masayang wika ni Leo pagka-tapos naming mag-widthraw.
Wala pala ni isa samin ang may bitbit na pera. Buti nalang at may dala akong card at nakapag-widthraw kami ng cash.
"What do we need to buy first?" Leo happily asked.
"Meat, fruits, and...fish?" Kahit ano na naman yata? Wala namang specific na binilin si Matthi. Saka wala silang karapatang mag-reklamo dahil wala naman silang ipinadalang pambili.
"Tara sa palengke." Yakag ko kay Leo. He looks confused but he still followed.
Dinala ko sya sa isang public market. Kumpara sa grocery store, mas ligtas kami sa ganitong lugar dahil kung mayroon mang nag-babalak ng masama samin at nakita kami dito, mag-dadalawang isip sila dahil sa dami ng tao.
Sari-saring amoy ng usok, isda, pawis at masangsang na amoy ang bumabalot sa paligid.
"Why are we here?" Bakas sa tono ni Leo ang pag-rereklamo.
"May problema ba?"
"Yes. We can just go to a grocery store." Naka-simangot na reklamo nya.
Lakas mag-aya eh sya nga tong walang dala kundi sarili nya?
Iniabot ko sa kanya ang kalahati ng pera na winidthraw namin kanina. "Oh, Ayan. Pumunta kang grocery store at mamili ka doon. Mag-kita nalang tayo mamaya sa bahay."
Kumunot naman ang noo nya at parang nahimasmasan. "No. I'm completely fine here. What should we buy first?"
Una naming pinuntahan ang bilihan ng karne. Halatang-halatang hindi sanay sa palengke ang kasama ko dahil parang gulat na gulat sya sa mga naka-biting karne na halos buong buo pang nasa katawan ng hayop.
"Ate magkano sa kilo ng baka?" Tanong ko sa tindera.
"460 ineng. Ilang kilo ba?"
"Wala na po bang tawad? 450 nalang ho." Saad ko. Naramdaman kong siniko ako ng mahina ni Leo pero hindi ko sya pinansin.
"Grabe ka naman tumawad hija, sige na, sige na, ilang kilo ba?"
"Pabili po 1/4."
Napa-simangot naman yung tindera. Tutal wala namang nag-ambag sa mga ugok ay titipirin ko silang lahat. Ako na nga ang gumastos ako pa ang mapapagod?
"Why did you do that?" Tanong ni Leo at tiningnan ako na parang nanloko ako ng tao.
"Ang alin ba?"
"The discount thing?"
"Gusto mo bang ikaw nalang ang mamalengke?" Hamon ko sa kanya pero iling lang ang isinagot nya.
******************
ALAS tres na kami na natapos mamalengke. Punong puno ng pawis si Leo kaka-bitbit ng lahat ng pinamili ko. Nag-presinta kasi sya na sya nalang daw ang mag-bubuhat dahil sya daw ang lalaki.
Napag-pasyahan muna naming mag-pahinga sa isang bench malapit sa palengke kung saan maraming nag-titinda ng tusok tusok.
Napako ang mata ko sa isa sa pinaka-paborito kong pag-kain. Ang pares.
"Leo, dyan ka lang ah? Bibili lang ako ng pag-kain." Hindi ko na sya inantay sumagot at umorder ng isang pares at rice bago nag-lakad pabalik kay Leo.
Medyo naawa naman ako sa itsura nya. Prente syang naka-sandal sa bench at pinapaypayan ang sarili na animo'y maii-stroke na. Parehas pa kaming walang kain ng tang-halian dahil naging busy kami sa pamimili.
BINABASA MO ANG
Esoteric Rose
RomanceFaschia Dianara Perez, An ex-officer spend her life solving criminal case, investigating and building her own empire. She wore a mask of mystery that everyone she mets gets trap in her hands. But for someone who looks perfect inside and out, She su...