Simula
"Ang daming poging psych student this school year," tsismis ni Zam.
"Samahan n'yo ako. Kunwari dadaan lang tayo sa department nila pero low-key binabalandara ko na kagandahan ko," aya ni Yen sabay kindat sa amin.
"Ang linis at fresh kasi nila tignan sa puting uniform nila oh," puri ko habang pinagmamasdan ang isang grupo ng mga babaeng psych student.
Umiwas lang ako ng tingin sa banda nila at itinuon ang attention sa librong hawak ko nang nagtama ang tingin namin ni Selene.
Selene Fajardo is a popular psych student in the university. Maganda, mabait, mahinhin, maputi, mayaman, academic achiever, model, family-oriented, independent, at marami pang ibang magandang quality ng isang babae.
Halos nasa kaniya na lahat, maliban sa healthy relationship.
"Mon. Kababata mo si Prinze de los Rozo, 'di ba?" Yen looked at me with curious eyes.
Tumango ako. "Ah, si Prinze. Oo, magkatabi lang din bahay nila sa bahay ng tita ko."
"Close ba kayo?" sapaw ni Zam.
"Oo, noon. Pero lumipat 'yan s'ya sa ibang bansa noong nagdadalaga at binata na kami. Three years ago lang bumalik at 'di na kami nagpapansinan," nagkibit balikat ako habang nakakunot ang noo.
"'Di ba ex-girlfriend n'ya si Selene? Bumalik daw s'ya rito galing ibang bansa dahil kay Selene. Tapos malalaman na lang ng lahat na naghiwalay sila six months ago?"
"Two years din silang magjowa? Feeling ko babaero talaga iyong si Prinze eh. Sino'ng hindi? Daming nagpapapansin sa kaniya na sikat at mas maganda pa kay Selene," puna ni Yen.
"Ano ba'ng lahi ni Prinze, Mon?" pang-uusisa ni Zam.
"Sa pagkakaalam ko ay half 'yong mga magulang n'ya. Nanay n'ya ay half Greek half French. Tapos tatay n'ya ay half Spanish half Filipino," ekspertong sagot ko.
"Ganda ng lahi. Sana malahian," biro ni Zam.
"Ano nga ulit 'yong lahi ng nanay mo, Mon?" tanong ni Yen.
"British, si Dad 'yong Filipino."
"Ganda mo talaga. Bakit hindi na lang maging kayo ni Prinze?" hagikgik nito.
"Kaya nga pero bakit kaya sila naghiwalay ni Selene? Mukhang mature naman sila both?" pagtataka ni Zam na binabalik 'yong topic.
Iyan ang hindi ko na alam pero may parte sa akin na nagdidiwang dahil single na ulit si Prinze.
May gusto na ako sa kaniya simula noong inilipat ako sa bahay ni Tita Hershey at inampon.
Wala naman akong balak na landiin s'ya. Kontento na ako na happy crush ko lang ito. Hindi pa rin naman ako handa na pumasok sa isang relasyon. Baka palayasin ako ni Tita Hershey, mainit pa naman ang ulo no'n sa akin.
I side-eyed my two friends while I tried to focus on the book I'm currently reading.
Pinapagitnaan kasi nila ako at bigla ba namang hinila ang kanilang mga upuan upang mas magkadikit kaming tatlo.
Marami kasing tao rito sa lounge area ng mga estudyante. Karamihan sa kasama namin ay mga kaklase pa namin.
Bumulong ang dalawa sa akin na sobrang dikit sa magkabilang gilid ko.
"Teh, pa-spill ng tea."
"Sizst, galaw mo na 'yong baso."
Ganito sila kapag bored. Laging may tsismis at pag-uusapan ang buhay ng ibang tao. Sabi nila hindi naman daw sa panghuhusga ito. Niri-rate lang nila ang buhay ng iba.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...