Kabanata 8

6.1K 289 269
                                    

Kabanata 8

Selene nodded. Kahit nasasaktan ay malungkot itong ngumiti sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga luha na nangingilid sa kaniyang mga mata bago n'ya dahan-dahan na sinara ang pinto.

Bakit nasasaktan din ako? Dahil naging mahalaga na rin sa akin si Selene. Kaibigan ko s'ya. Parang nagpapaubaya ito kahit wala namang namamagitan sa amin ni Prinze.

Naiipit na ako sa situwasyon na 'to. Pati ako ay nahihirapan. Imbes na iwasan ko si Prinze at ipaglapit sila, ano'ng nangyari? Hindi ko naman mapipilit ang isang tao na magustuhan s'ya ulit.

Saglit kong binitiwan si Prinze upang ipagkuha ito ng maligamgam na tubig at maliit na towel. Dito lang sa kaniyang kuwarto. May sarili kasi itong banyo. Pinunasan ko ang kaniyang maskuladong braso, kili-kili, at leeg. Hindi naman ito umangal.

Wala itong suot na pang-itaas na damit. Ingat na ingat ako, at tinakpan ko ng comforter ang bahagi ng kaniyang tiyan.

'Yong matitigas na abs inaakit akong hawakan 'yon. Hindi pwede.

His eyes were tightly closed with a crease on his forehead. Namumula pa ang mga pisngi.

Nahulog ang aking tingin sa kaniyang kamay na mahigpit ang hawak sa laylayan ng aking damit. Tila ayaw magpaiwan. Kaya imbes na itapon ko na muna ang maligamgam na tubig ay hinayaan ko na lang muna iyon sa nightstand n'ya.

Tumabi ako sa kaniya sa pagkakahiga sa kama. Medyo nanginginig ang mainit nitong katawan at pakiramdam ko ay napaso ako nang magdikit ang aming mga balat.

Kumalabog ang aking puso nang siniksik n'ya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Nakapulupot din ang isang braso nito sa aking baywang.

"M-Monmon. . ." he mumbled.

"Sleep, Prinze," utos ko at marahang inalis ang iilang tumatakip na buhok sa kaniyang noo.

Tulong, hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng pagpintig ng puso ko. Pwede bang ihinto ang oras? Wala namang nagsabi na nakakawala ng stress itong cuddle. Kaya pala ang daming jowang-jowa sa college.

We were elementary since the last time we cuddled. Magkatabi kasi kaming matulog dalawa kapag nag-oovernight sa bahay nila Grey at Dante. Kaming dalawa kasi iyong magkakampi. Pinagtatanggol n'ya ako habang si Grey at Dante ay inaasar ako.

Kasalanan din kaya ni Tita Hershey bakit napalapit ako sa kanila. Iniiwan n'ya muna kasi ako sa kapitbahay kapag may lakad s'ya. Lalo na kapag gagabihin s'ya.

'Yong mga magulang naman ni Prinze, Grey, at Dante ay tuwang-tuwa na alagaan ako noon kasi wala silang anak na babae.

Wala nang kasing himbing ang tulog ko na katabi si Prinze. Grabe na 'to, suwerte ko naman nakatabi ko matulog ang crush ko.

Oo, crush lang dapat. Hindi na 'to lalalim. Mas bagay sila ni Selene.

Nauna akong nagising sa umaga, at nilinis ang nightstand n'ya. I checked Prinze. He's still sleeping. Umaayos na ang temperatura nito. Bumaba na ang lagnat pero mataas pa rin.

Bumaba ako, at may sumalubong sa akin na kasambahay. Mababait sila, pamilyado na rin. Nagboluntaryo akong magluto ng sopas ni Prinze, at inalalayan naman nila ako sa mga kagamitan sa kusina.

Pagbalik ko sa kuwarto ni Prinze ay nadatnan ko itong kagagaling lang sa loob ng banyo. May suot na itong damit. Naglalakad ito pabalik sa kaniyang kama.

"Ano'ng oras na, Mon? Hindi ka pumasok?" Mapupungay ang kaniyang asul na mga mata.

"Don't worry. Nagpasulat ako ng excuse letter kay Zam. Bibigay nila 'yon sa instructor namin," I said after placing the tray on his bedside table. It contained with a bowl of soup, a glass of water, and a medicine.

Reading the Moon (Estudiante #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon