Kabanata 6
"Mon! Pagtimpla mo kami kape! Sarap ng timpla mo eh!" request ni Grey.
"Siyempre, masarap kasi ako," ngisi ko.
"Ano'ng connect, Mon? Bakit ganiyan ka na magsalita? Hindi ka namin pinalaking ganiyan," Dante scolded me.
Kailan kaya magkaka-girlfriend ang dalawang 'to? Nang sa gano'n ay maging busy na sila, at babalik na ako sa normal na pamumuhay ko. Na-attach na naman ako sa kanila.
Wala pa si Prinze dito. Nasa bahay nila at may tinatapos na schoolworks. Hahabol lang daw s'ya.
Narito kami sa bahay nila Grey. It was weekend. Walang pasok. Habang kumukuha ng maiinom sa kusina ay pumasok sa isip ko si Kade.
I explained to him that I need to settle my life first before I enter a relationship. Naiintindihan n'ya naman. He told me that he will wait, but I told him not to. Marami pa s'yang makikilala na ibang babae. But we're still friends.
"Teka nga, hapon na hapon. Magkakape kayo?" Tinaasan ko sila ng isang kilay.
"Para 'di kami antukin mamaya sa overnight. Movie marathon pa tayo!"
I nodded. "Ah, inimbita ko pala si Selene. Ayos lang ba sa inyo?"
Dante and Grey exchanged meaningful glances.
Grey shrugged his shoulders. "Nalaman namin ang side n'ya kaya ayos lang naman siguro. Wala naman na kaming galit sa kaniya."
"Mabait din s'ya sa'yo, Mon. Sabihin mo sa'min kapag inaway ka ah?" sabi ni Dante sabay gulo ng buhok ko sa tuktok ng ulo.
"Hindi na ako bata," pag-aalburoto ko.
Pinagtimplahan ko sila habang nakaupo sila sa stool ng kitchen island. Ang lawak ng kusina nila Grey at napakalinis. Puno pa ng pagkain at inumin ang kaniyang fridge.
Kakatapos ko lang pagtimplahan ng kape ang dalawa nang dumating si Prinze.
"Mon, sila lang may kape? Nasa'n 'yong sa'kin?" he complained.
"Kinalimutan ka na ni Mon, Prinze," asar ni Grey.
Pagtitimplahan ko na sana ito ng kape nang may narinig kaming bumusina sa labas ng gate ng bahay.
"Wait, baka si Selene na 'yon," I announced and wiped my hands with a towel.
"You invited her?" Parang 'di pa sang-ayon si Prinze.
"Bakit? Kaibigan ko s'ya," pagtataray ko. "Ikaw na lang, Prinze. Puntahan mo. Papasukin mo. Magtitimpla lang ako ng kape mo."
"Sila Grey na lang. Tutal bahay naman nila 'to," turo n'ya sa kaibigan.
"Prinze!"
"Monmon," Prinze said it like a warning. Mariin akong tinitigan ng kaniyang asul na mga mata. "Mag-usap tayo mamaya."
"'Di kita kakausapin kapag 'di mo pinuntahan sa labas si Selene. Pakiasikaso muna si Selene, Prinze. Magluluto pa kami ni Grey ng hapunan," I said with snobbishness.
"Ako na lang magluluto," boluntaryo n'ya.
"Ano 'to? Maglalaro na naman tayo ng nanay-nanayan at tatay-tatayan?" Panunukso ni Dante.
"Lagi na lang tayo ang anak, Dante. Nakakasawa na. Maghanap na tayo ng mapapangasawa," tawa ni Grey sabay simsim sa kaniyang mainit na kape.
I ignored them and focused on Prinze. "Heh! Lumpiang Shanghai lang alam mo!"
"Pinag-aralan ko kayang lutuin 'yon dahil paborito mo. Marunong din ako magluto ng ibang ulam. Kung wala talagang ibang maulam, puwede namang ako na lang," Prinze showed me his gentle yet mischievous smirk.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomansShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...