Kabanata 14

8.8K 313 257
                                    

Kabanata 14

Napasinghap ako nang lumagapak ang palad ng tita ko sa'king pisngi.

"Ano 'to, Mon? Bakit may ipis sa bahay? Ipapakain ko 'yan sa'yo! Mas peste ka pa sa mga peste rito!"

Hindi naman talaga maiiwasang magkaroon ng ipis dito sa bahay dahil wala rin naman s'yang binibigay na pambili ng mga kagamitan upang maiwasan ito. I can't get rid of pests even if I clean the house everyday. It's just how every organism's life cycle runs. Lahat naman yata ng bahay may ipis, daga, butiki, at gagamba. Malala na 'yong may ahas.

Wala namang tao sa bahay araw-araw. Sa gabi at umaga lang din ako narito pagkatapos ng klase. Kaya pagtitirhan talaga ito ng mga insekto dahil wala namang taong nakatira.

Paaralan na nga ang nagiging uwian ko. This house doesn't feel like home.

Kakapahinga ko pa lang galing sa paglalaba ng mga kurtina. Iisang sampal kaagad ang bumungad sa akin galing kay Tita Hershey na kararating lang.

Walang kuryente kaya sobrang nahirapan ako sa paglalaba dahil 'di ko magagamit iyong washing machine.

"P-Pasensya na po, Tita. Kakalinis ko lang sa bahay kaya siguro nagsilabasan," kaagad akong kumuha ng walis at dustpan habang iniinda ang sakit sa pisngi.

"Ikaw papalabasin ko rito sa bahay kapag nakakita pa ako! Ikaw lang naman ang peste rito!" singhal nito sabay sipa sa walis na hawak ko suot ang kaniyang mamahalin na heels.

"G-Grabe naman po kayo makapagsalita," I shut my mouth when I realized what I said.

Pinanliitan n'ya ako ng mga mata bago ito nanlilisik na lumapit sa akin. Napaatras ako nang marahas n'yang hinawakan ang buhok ko sa ibabaw na parte ng aking batok. Ramdam ko ang halos mahiwalay kong anit sa aking ulo. She was gripping my hair and pulling it to make me face her. Napakapa ako sa aking buhok habang dumadaing.

"Akala mo ba hindi ko alam? Hah? Na habang wala ako rito ay nakikipaglandian ka sa kapitbahay natin?"

"H-Hindi po ako nakikipaglandian—"

"We're not friends in my social media account pero lumalabas sa news feed ko ang mga post ng screenshots nitong story n'yong dalawa ng kapitbahay natin! Ang dumi mo! Nakakadiri ka! Apilyedo pa naman namin ang gamit mo! Binabaharin mo ng kaharutan ang pangalan namin!"

"Magkaibigan lang po kami!" Sinubukan kong makawala sa mahigpit na pagkakakapit ng kaniyang kamay sa'king buhok.

"At sumasagot ka pa? Tinataasan mo ako ng boses? Ang kapal ng mukha mong impakta ka! Kating-kati ka na talaga at gusto mo'ng magpakalmot sa anak ng kapitbahay natin?" Her long nails are digging into my scalp as she gripped my hair even tighter.

I groaned. "Hindi ko kasalanan na pinanganak akong maganda."

She gasped and let out a hysterical laugh. Para bang ang sinabi ko ay katatawanan. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ito at nandilim ang mukha.

"Eh kung basagin ko 'yang mukha mo sa salamin? Nang makita mo ang pangit mo'ng makapal na pagmumukha!" she said through gritted teeth.

"Hindi mo lang matanggap na mas maganda ako sa'yo," mahinahon kong ganti.

She smirked with sarcasm. "I'm not insecure, unlike you. Cheap disrespectful bitch."

"Retokada. Ang mahal pa ng binayad sa pagpapa-rhinoplasty, eyelid surgery, at lip fillers mo. Pero pambayad ng kuryente, wala?" I retorted and winced when she pulled my hair from gripping it.

"Ang tapang mo na talaga. Sumasagot ka na. Bakit? Napaikot mo na ba 'yong mayaman na kapitbahay natin? 'Yong Prinze, 'di ba? Kung sakaling papalayasin kita ay may matitirahan ka?" nangungutyang salita nito.

Reading the Moon (Estudiante #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon