Kabanata 17
"The fuck are you talking about, tita? You're twelve years older than him! You're already thirty-seven and he's twenty-four!" I burst out when her words processed my mind.
"If it's about arranged marriage because of business? No matter, as long as he's not a minor," she smirked with an attitude.
Napasinghap ako sa galit. "You're sick! Nakakadiri ka po!"
Dahil sa pagtaas ng tono ko ay marahas n'ya akong hinawakan sa braso. Bumabaon ang kaniyang mahahabang kuko sa aking balat dahilan ng pagdaing ko.
"Respetuhin mo ako. Mas nakakatanda ako sa'yo," tiim bagang asik n'ya.
Sarkastiko akong nagbitiw ng tawa. "Nanghihingi ka ng respeto? Kung kabastos-bastos ka naman—"
Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko nang marahas n'yang niyugyog ang braso ko. Puno ng galit at inggit ang kaniyang mga mata nang puwersahan n'ya akong pinaharap sa kaniya.
"Wala ka na nga'ng utang na loob. Wala ka pang magandang asal. Wala ka ring hiya. Pati ba utak mo, nawala na sa'yo? Sa bagay, nagpapaloko ka na kay Prinze," she looked at me, down and up. Meeting my gaze.
Napangiwi ako. "Wala kang alam."
"Inaagaw mo si Prinze," nanggagalaiti n'yang asik.
Pagak akong tumawa. "Naging sa'yo ba s'ya? Okay ka lang ba, tita?"
"Listen, Mon. You're not going to let him court you. Do not have a relationship with him. Do you understand?" Mas nilapit n'ya ang kaniyang mukha sa'kin.
Halos maamoy ko na ang kaniyang mabangong hininga. Maarte s'ya kaya kahit ilang hakbang pa lang ang layo ay malalanghap ko na ang mamahaling perfume n'ya.
"You're already thirty-seven years old, tita. It's nice to see you looking this young. You're like one of those celebrities in Hollywood," puri ko sa mahinang boses habang kalmadong nakangiti.
"I know, okay? You don't have to say that," sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mapupulang mga labi.
"Bata pa rin tignan kahit trienta na. Para lang tayong magkapatid," I added as a genuine compliment.
Tumaas pa ang kaniyang isang kilay nang hinawakan ko ang dulo ng kaniyang buhok. I gently brushed her soft and long hair with my fingers.
Lahat ng sinabi ko tungkol sa kaniyang hitsura ay totoo. She's thirty-seven already, pero kung titignan ay parang magka-edad lang kami. The difference is our personalities, she's strict and uptight.
"Oh, Mon. Thank you, I'm flattered," she seemed pleased.
My smile faded. "Pero papatulan ka kaya ni Prinze? Ang sarap ni Prinze, tita. He's so hot, and he let me taste him every week—"
"What the fuck were you doing with him? May nangyari na ba sa inyo? Hindi ka puwedeng mabuntis, Mon!"
She gripped both of my arms. It was so tight and harsh that her nails would leave some imprints and bruises on my skin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata kaya lalong nadepina ang kaniyang makurbang pilikmata.
Her reaction was so satisfying to see. Kung noon ay natatakot akong magalit ito sa akin. Ngayon ay tila nasisiyahan pa akong panuorin ito.
"Bakit? Takot ka ba na hindi na matutuloy ang binabalak mo?" Walang gana akong ngumisi.
"You're using Prinze against me huh? Iwasan mo s'ya, Mon," hinigpitan n'ya pa ang pagkakahawak sa braso ko.
"I did. I avoided him for a month but he won't let me. He wants me," I remained calm.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...