Kabanata 5
I sighed in emotional pain when I looked at the corner of my room, and I saw the ripped books on top of my small shelf above my study table. The books that they bought for me. Susubukan ko itong ayusin sa susunod. Mahalaga iyon sa'kin.
Ang dami kong iniisip simula noong nakuha ulit nila Prinze ang loob ko. Pakiramdam ko ay lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi na lang ito pagkagusto o paghanga.
May nararamdaman ako sa kaniya tapos tinutulungan ko 'yong ex-girlfriend n'ya na magkalapit ulit sila? Para magkabalikan sila? Bakit nakakaramdam ako ng kirot sa'king dibdib habang inilalarawan ko sa isip ko na magkakabalikan sila?
Pagsisisihan ko 'to sa huli. Ayaw ko namang umamin dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Kontento na ako na nakikita at nakakausap ko ito.
Kahit pa gusto kong makaranas ng love life ay hindi pa talaga puwede. My life is not stable yet, and I'm not ready. Ipapatigil ako ni Tita Hershey sa pag-aaral at papalayasin sa pamamahay n'ya kapag nahuli n'ya akong nakikipag-relasyon.
I would never sacrifice my studies for a man.
"Mon? Matanong ko lang. . ." panimula ni Selene sa mahinang boses dahil nasa library kami.
It's just the two of us. We're getting really familiar and close to each other. Ayos lang kahit wala si Zam at Yen. I have no idea where the two are right now. Hindi rin dito nag-aaral sa Venice. It's our vacant time. Saktong may kapareho kaming vacant sa umaga.
"May gusto ba sa'yo si Prinze?"
Muntik na akong mabilaukan ng hangin. "Patawa ka talaga, Selene."
"Gano'n na ba talaga s'ya sa'yo?"
"Sabi n'ya bumabawi raw s'ya sa ilang taon na hindi kami nagpapansinan."
Pinanlamigan ako ng palad. Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong tinatago? I cracked my knuckles. It's my mannerism whenever I feel nervous.
"Feel ko kasi talaga may nararamdaman s'ya sa'yo. He's so comfortable with you," mapait itong ngumiti.
"Hindi yata maiiwasan 'yon, Selene. Magkababata kami tapos single s'ya. . ." Umayos ako ng upo. "'Wag ka nga'ng mag-overthink. Kapag 'yan nabanggit mo sa kaniya baka masuka 'yon. Magkapatid lang talaga turingan namin."
"Ang hirap kasi kahit noong kami pa ay ramdam kong 'di n'ya ako totally pinapapasok sa buhay n'ya." Bakas ang lungkot sa kaniyang magagandang mga mata.
"What do you mean? 'Di ba open kayo sa family n'yo?" I closed the book that I'm reading and pay more attention to here.
"Yes, but he doesn't open up with me." Nasa kaniyang nanghihinang boses ang sakit na tinatago nito.
"I don't get it, Selene," I lowered my voice when I noticed the librarian glaring at our direction.
Selene looked hesitant to tell me what was bugging her mind.
"We never kissed." Ngumuso ito at tumungo na halos itago na ang mukha sa kaniyang hawak na libro.
My jaw dropped. "Ano? Sure ka ba?"
They're adults. They're in their early twenties when they were together. Nasa nineteen pa lang yata ako noon tapos sila ay twenty-two o twenty-one na siguro. I think Prinze is twenty-four right now. Twenty-one naman ako ngayon.
Grabe naman kung hindi talaga sila nag-kiss? Sa dalawang taon nilang pagsasama? Maniwala.
"Sa noo n'ya lang ako nahalikan. Kapag may event lang like birthdays," agap n'ya nang nakita ang ekspresyon kong hindi naniniwala sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...