Kabanata 2
Kade:
Mon, can we talk in person? I want to court you.Tanghali na nang nag-check ako ng mga mensahe sa messenger ko. Namilog ang aking mga mata sa mga nabasa.
Hindi naman na bago sa akin 'to. Nakakagulat lang dahil si Kade Ramos? Anak ito ng isang pamilya na may-ari ng isang sikat na publishing house.
Close naman kami at noong una pa lang ay umamin na s'ya na may gusto s'ya sa akin. Hindi naman ako lumayo dahil wala naman s'yang ginawang masama. Kaswal lang din ito kapag makitungo sa akin. Parang magkaibigan lang kami.
Kapag sinagot ko 'to. Nako, baka makakatanggap na talaga ako ng book bouquet. Pero para saan pa? Sila Grey at Dante pa nga na mga kababata ko ay binibilhan na ako ng libro. Tumataas lalo standard ko dahil sa kanila.
We're in the student's lounge as usual. Dito kami tumatambay after class, vacant, at naghihintay ng oras sa next class. Aalis din kami mamaya at pupunta sa cafeteria para mag-lunch. Madalas kapag nagtitipid kami ay lalabas kami ng campus at sa karinderya bibili ng makakain.
Akmang magtitipa na ako ng reply ngunit naibaba ko ang cellphone ko nang nagsalita si Yen.
"N-Nakabuntis 'yong boyfriend ko. Hiwalay na kami," mangiyak-ngiyak n'yang salita.
"Hah? May boyfriend ka? Ang lakas mo nga'ng makatingin sa mga poging psych student!" manghang sabi ni Zam.
Wala rin akong alam na may boyfriend pala itong si Yen. Magugulat na lang kami na binabalita n'ya sa'min na break na sila.
"Two months pa lang kami ng boyfriend ko. Hindi kami open both sides." Mula sa naluluhang mga mata ay unti-unti itong tumawa na parang bang napindot si Joy.
"Bakit ka natawa? Ikaw lang yata ang masaya na nag-cheat sa'yo 'yong boyfriend mo at nakabuntis?" I asked.
"Tanga! Buti hindi ako 'yong nabuntis!" giit nito at tumawa.
"Hindi ka man lang ba nasaktan?" Zam raised a brow.
Yen snorted. "Masasaktan? Tinakbuhan n'ya 'yong nabuntis n'ya!"
"Problema ng mga lalaki. Ang tamis magsalita. Grabe humarot. Kapag nakabuntis na. Tinatakbuhan ang responsibilidad." The disappointment was lingering in Zam's words.
"He's the problem," Yen shrugged.
"Sana takbuhan din ako ng problema ko," hiling ko at humagikhik.
Nakuha ko ang kanilang atensiyon.
"Ano ba'ng problema mo?"
"Kawalan ng pera."
"Same."
Nag-usap na silang dalawa tungkol sa ex-boyfriend ni Yen na nakabuntis ng ibang babae.
Hindi naman maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Nakahinga ako nang maluwag dahil kaninang umaga ay umalis si Tita Hershey. May out of town daw ito at baka sa susunod na buwan pa ang kaniyang uwi. Kinaltasan n'ya rin ang allowance ko bilang parusa pero binigyan n'ya naman ako ng pera pang-grocery na magkakasya sa loob ng isang buwan.
Kailangan ko na siguro mag-apply ng part time job. Hindi magkakasya ang pera ko sa mga gastusin sa college. Ang daming bayarin lalo na kapag may event.
After thinking thoroughly, I was back in my senses when someone approached our small circle.
"Is this seat occupied?"
Zam and Yen exchanged glances when they realized it was the popular Selene Fajardo.
"Hindi naman," kaswal kong sagot.
"Can I sit here?" The way she speaks was full of warmth.
"Sure." Ginawaran ko ito ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...