Kabanata 4
"What if magkabalikan kayo ni Selene, Prinze?" tanong ko. Kakapasok lang namin sa loob ng sasakyan n'ya. Kakatapos lang ng klase namin at pagdating ko rito ay naghihintay na s'ya sa akin.
"Hindi mangyayari 'yan, Mon. Kaibigan na lang talaga ang turing ko sa kaniya."
"Malay mo, 'di ba? 'Di natin alam ang takbo ng panahon. Baka magugulat na lang ako kayo na pala ulit!"
Umiling lang ito at huminga nang malalim. Hindi s'ya umimik. Kanina ko pa kasi bukambibig si Selene.
"Bagay kayo, Prinze! Siguro sa foundation day this school year kayo 'yong magiging pambato ng department n'yo sa pageant! Sa Mr. And Ms. Intramurals! Panalo na agad!" pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay. My voice was marked with excitement.
"Marami ring magaganda at guwapo sa ibang department," palusot n'ya.
"Guwapo mo kaya," I bit my lip when I realized what I just said.
"Really?" He looked at me intensely.
"Oo, hindi ka pa ba informed? Sa dami ng babaeng nagpapapansin sa'yo?" panindigan ko.
"Hindi pa kita narinig na sinabihan mo akong guwapo," he smirked in a gentle way.
"Maraming nagsasabi sa'yo."
"Gusto ko galing sa'yo."
Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniyang mga mata. His dark blue eyes were hypnotizing me softly.
Una akong bumitiw sa pagtitigan namin.
"Alam mo, Prinze. Gutom lang 'yan. Tara waffles at smoothies!"
"Libre na kita," he said before starting the engine of his car.
Bumili kami ng paborito kong pagkain sa pinakamalapit na cafe. Bumili na rin s'ya ng kape n'ya. He loves coffee, but I don't. Nagpa-palpitate kasi ako sa kape.
"Pansin ko lang. 'Yong name ni Selene ay Greek origin tapos mommy mo ay half Greek. Meaning ng 'Selene' ay 'moon'," pangungilit ko nang nai-serve na ang pagkain sa napiling table namin.
"I don't know about that," he did not even pay much attention to what I'm saying. Tila hindi ito interesedo.
"Ikaw ah! Kaya siguro mahilig ka sa buwan dahil tinadhana kayo ni Selene! 'Di ka pa naka-move on, Prinze, ano? Umamin ka na," I teased him more before sipping on my banana-oat smoothie.
"Nakausad na ako," he replied curtly.
"'Di mo sure."
Marahan n'yang tinulak ang pinggan na may waffles upang mas malapit sa akin.
"Ayan. Kain ka marami, Monmon. Puro ka Selene. Nagseselos ka ba? Sabihin mo lang nang makipagbalikan na ako sa kaniya," napupuno nitong sabi pero hindi naman halata dahil ang soft-spoken ng malalim nitong boses.
"Hindi ako nagseselos." Ngumuso ako.
"Kaya nga hindi ko s'ya babalikan."
"Inaasar ka lang naman. What if nga lang!"
He eyed me after sipping from his coffee. "Let's not talk about her. I want to know about how your day went."
Kinuwento ko sa kaniya ang mga pangyayari sa klase namin. Paano ako nag-cram sa mga assignment ko. Mga kalokohan namin ni Yen at Zam sa loob ng classroom. Pangongopya, at pagpapasa-pasa ng mga sagot. Hanggang sa makauwi kami.
Isang linggo ko rin inisip ang kaniyang sinabi noong nakaraan na nag-jamming kami sa bahay nila Dante.
Maayos naman ang pagkakaibigan at relasyon namin sa isa't isa ngayon. Normal lang. Sabay kaming kakain sa loob ng kaniyang sasakyan. Makikisabay din ako pauwi. Ayaw kong magpalibre lagi. But he insisted. Pambawi n'ya raw sa mga nagdaang taon na hindi kami nagpapansinan.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...