Kabanata 7
"Mon? Ano 'tong naririnig namin? May third party daw kaya naghiwalay si Prinze at Selene noon. Ikaw 'yong tinuturo nilang third party?"
"'Di ba, hindi pa kayo nagpapansinan no'n? Ang isyu talaga ng mga tao. Porket nakita lang nilang pumasok ka sa kotse ni Prinze! Hindi ba pwedeng nakikisabay lang pauwi dahil magkapitbahay?"
"Huh? Kanino n'yo narinig?" Magkasalubong ang kilay ko nang tinanong ko si Zam at Yen sa nakalap nilang issue sa campus.
Kinakabahan ako kasi wala pa naman akong naging isyu sa campus. Tahimik lang ako, at normal na estudyante. Low-key naggaganda-gandahan.
"Napadaan lang kami sa dating circle ni Selene. Ang lakas pa ng boses nila. Halatang nagpaparinig." Umirap si Zam sa bandang likuran ko.
"Mon? Ano'ng problema?" Dumating si Selene na galing sa likurang bahagi nila Zam at Yen.
Kanina ko pa naman nakikita si Selene sa malapit. Patungo ito sa amin pero may kumausap sa kaniya na freshman kaya 'di kaagad s'ya nakalapit dito.
"Inisyuhan ng circle mo si Mon, Selene!" Naiinis na pagsusumbong ni Yen.
"Ano'ng sabi?" Kahit magkasalubong ang kilay ay napakaganda pa rin ni Selene.
Zam snorted. "Si Mon daw ang dahilan ng paghihiwalay n'yo. Hindi na nga nagpapansinan si Mon at Prinze nang nangyari 'yon."
"Come with me, Mon."
Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan ako ni Selene sa braso. Hinila n'ya ako at nagpatianod naman ako. I gulped when I realized where we're heading.
"Selene, ayos lang. Huwag na natin silang patulan," pagpigil ko rito.
"Nagkakalat sila ng isyu para maitago nila ang ginawa nila sa'kin. Pinapakita nilang ibang tao ang masama para mapanatiling malinis ang reputasyon nila," she was obviously frustrated by how tight she's holding my arm.
This is the first time I had an issue in the campus. I feel nervous and scared. Who wouldn't? What if someone is secretly hating on me? Baka pisikal akong saktan?
'Wag naman sana. Kakapahinga ko lang mula sa pagmamaltrato sa akin ng tita ko. Sanay naman na akong magkapasa at mabugbog pero. . . nakakatakot pa rin makaranas ng pisikal na pang-aabuso.
"Hayaan na lang natin. Hindi naman totoo 'yong pinagkakalat nila," I tried to persuade her to stop.
Napatungo na lang ako nang narinig ang mga nadadaanan naming estudyante. May sinasabi sila tungkol sa'kin, at kung makatingin ay parang ang dumi kong babae.
"Bakit magkasama si Selene at 'yong ateng third party?"
"'Di ba dapat magkagalit sila? Inaagaw ni ateng third party si Prinze."
"Yuck. Kadiri. Nakikisawsaw sa relasyon ng iba. Third party. Ew."
Sanay na rin naman ako sa mga masasakit na salita na tinatapon sa akin dahil kay Tita Hershey. Hindi ko alam na mas nakakababa pala ng tingin sa sarili kapag galing sa ibang tao sa publiko.
Nakarating kami sa nakasanayang puwesto ng dating circle n'ya. Isa sa mga bench lang din na nagkalat sa campus. They were laughing, and their laughs subsided when they saw us coming.
"God, Selene. Gorgeous as ever," one of the popular women complimented her.
"Sino'ng nagkalat no'n? Na third party si Mon?" Selene did not waste her time and confront them without second thoughts.
"Huh? What do you mean, Selene? May third party pala kaya kayo naghiwalay ni Prinze?" nagmaang-maangan ang s'yang sumagot pero malaki ang ngisi nito na tila ba ay nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...