Kabanata 10

5.4K 267 161
                                    

Kabanata 10

"Mon? Mugto mata mo! Umiyak ka kagabi, ano?"

"Parang kahapon lang nakita ko si Selene. Umiiyak din! Ano'ng nangyayari sa inyo? Friend goals ba padamihan lumuha ngayon?"

Sinalubong agad ako ni Zam at Yen pagpasok ko sa loob ng classroom. Napayuko tuloy ako nang lumingon sa'kin ang mga iilang kaklase na maagang narito.

The photo of Selene and Prinze won't just get off my mind. Maybe they actually kissed after that, it's just inappropriate to post a photo where they kissed.

Kahit nasasaktan sa nakikita ay hindi ko mapigilan na suriin ang guwapong mukha ni Prinze kagabi. I can't read Prinze's expression but when I observed it closely it looked like he did not expect the picture taking because he did not even prepare to match Selene's vibe.

Ayan naman ako. Gumagawa ng kuwento sa isip ko para mabawasan iyong sakit.

Masaya ako na nangyari na rin ang inaasam ni Selene pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng sakit. Nag-date sila gaya ng gusto kong mangyari.

"Kung may problema ka, Mon. Ayos lang kung hindi mo sasabihin sa amin. Lagi mo'ng tatandaan na nandito lang kami ni Yen," ani Zam. Naupo na kami sa upuan at pinapagitnaan nila ako.

"Ayos lang talaga ako. Para kayong ewan. Binasa ko lang ulit kagabi 'yong The Notebook ni Nicholas Sparks," natatawang saad ko.

They believed it. Wala naman kasi talaga silang alam sa buhay ko. Close kami bilang kaibigan at magkaklase na nagtutulungan sa pag-aaral at kopyahan. But when it comes to my personal problems, they're out of it.

"Nakita ko post ni Selene sa Instagram! Sila na ba ulit ni Prinze?" Malakas ang pagkakasabi ni Yen.

I saw some of our classmates checked their phones. Malamang sikat si Prinze at Selene at karamihan sa kanila ay tuwang-tuwa pa na single na ulit si Prinze. Kaka-transfer pa nga lang ni Prinze sa paaralan na ito ay may nakakakilala na kaagad sa kaniya.

Hindi lang naman kasi sila kilala sa College of Arts and Sciences na department. Pati sa College of Engineering and Architecture, College of Business and Information Technology. Marami ring nagkakagusto kay Selene sa College of Criminal Justice Education.

"Mon? Baka may alam ka sa nangyayari sa dalawang 'to? 'Di ba, close na kayo ulit ni Prinze?"

"Akala ko nga may gusto sa'yo si Prinze, Mon! Kasi iba makatingin sa'yo eh. 'Di ko lang sinabi kasi baka mailang ka. Magkaibigan pa naman kayo ng ex-girlfriend."

"Tumigil ka nga Yen. Baka kumalat pa 'yan sa campus!" hampas ko sa braso ng kaibigan nang sinundot ako nito.

"Paano kung aamin sa'yo si Prinze, Mon? Example lang ha, na may gusto s'ya sa'yo. Ano'ng mararamdaman mo? Hindi ba parang kapatid lang turingan n'yo sa isa't isa?" Zam looked at me in wonder.

"Wala. Wala. Kasi hindi mangyayari 'yan," I tried to brush off the topic.

"Kaya nga what if lang! Ano'ng gagawin mo, Mon?" Yen beamed in excitement to hear my response.

"Feeling ko rin kasi may gusto sa'yo si Prinze. Baka ikaw pala ang dahilan ng paglipat n'ya rito sa university natin?" dagdag ni Zam sa pagdedelusyon ko.

"Hindi nga, kaibigan lang kami. Kababata at kapitbahay," paalala ko sa kanila at sa sarili ko.

"What if manligaw sa'yo?" Yen supported Zam's thoughts.

Palala nang palala itong pag-delulu nila. Kailangan na nilang magpakonsulta sa propesyunal.

"Ayaw mo no'n maging boyfriend mo 'yong kapitbahay mo? E 'di magbibigayan lang kayo ng ulam! Kapag uulan, sumakabilang bahay para mag-cuddle! Hatid sundo pa!" pagpapantasya ni Zam sa situwasyon.

Reading the Moon (Estudiante #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon