Kabanata 11
"Nevermind, 'wag mo na lang sagutin. Gutom lang 'to," bawi ko.
From staring deep into my eyes, his gaze went down on my lips.
"Ayaw mo ba'ng marinig ang sagot ko?" he smirked.
"B-Basta. . . parang magkapatid lang turingan natin kaya ka ganito." Binalik ko na sa kaniya ang tupperware ng pagkain na tinanggap n'ya naman.
"You're not ready to hear it," tumungo s'ya sa hawakan n'yang pagkain. "Kasi iiwasan mo ako kapag nalaman mo."
Hindi na matigil sa paglundag ang puso ko. Ano ba'ng malalaman ko? Totoong ayaw kong marinig. Kapag may sinabi s'ya ay magbabago ang lahat sa amin. Masisira ang pagkakaibigan namin.
"May nararamdaman man ako sa'yo o wala ay alam kong iiwasan mo pa rin ako," he added in his husky voice.
Parang may nag-uudyok sa'kin na hilahin ito at yakapin. Nagpigil ako sa bugso ng damdamin.
"Dammit, Mon. You're the only person that makes feel. . . unwanted," he even lowered his tone.
"K-Kain na tayo." Abot abot ang kaba sa dibdib ko.
He nodded and we started eating our lunch. Sa kalagitnaan ng tahimik na pagkain namin ay nagsalita s'ya.
"Isang linggo at limang araw na lang ang natitira sa'tin bago darating ang tita mo, Mon. Sulitin natin."
"Sulitin natin, Prinze," I reassured him.
"Sisiputin mo'ko sa mga lunch natin. Sabay tayong uuwi. Gala tayo kahit saan mo gusto," plano n'ya.
I gave him a lopsided smile. "Long ride tayo sa malapit na probinsya. 'Yong may makikita tayong maraming puno at bundok sa daan."
"Tapos foodtrip sa weekend? Papadagat din tayo at falls," dagdag n'ya.
"Sa news feed ko lang nakikita 'yong mga gano'n. Na-stuck na ako masyado sa syudad at pag-aaral. Nakaka-stress na nga," sabi ko habang nakatingin sa harap ng kotse n'ya kung saan may iilang estudyante ang napapadaan.
"Kapag stress daw ay kiss lang kailangan," aniya.
I glanced at him. "Landi lang 'yan, Prinze."
"No, it's not. Kissing eases stress. When you kiss, it releases chemicals in your brain such as serotonin and dopamine. Which can lower stress levels and give you a positive feeling." he argued.
Lugi. Ginagamitan na ako ng mga napag-aralan n'ya. No'ng nakaraan ay yakap 'yong pinaliwanag n'ya na nakakawala ng kalungkutan. Ngayon naman ay halik.
"Fine! Stress reliever na 'yong kiss!" pagsuko ko.
"Stress ka, 'di ba? Gusto mo kiss ko?"
I stiffened. Tinitigan ko ito, at walang bakas na kahit kaunting biro sa kaniyang seryusong mukha. Naputol lang ang aming pagtitigan nang bumaba ang tingin n'ya sa mga labi ko at binalik din ulit ang tingin sa'king mga mata.
"N-Nakakagutom, Prinze." Wala sa sariling sambit ko kasabay ng pag-init ng aking pisngi.
Lalo akong pinamulahan ng mukha nang pinakawalan nito ang isang mahinang tawa. Baka trip n'ya lang 'yon.
Pangdalawang beses na 'yon ah? Ano'ng kiss hinihingi n'ya samantalang sa kanila ni Selene ay hindi pa raw sila nag-kiss sa lips?
Naalala ko tuloy iyong 0.5 photo nila sa Instagram. Sabi ni Selene ay 'di raw natuloy 'yon. May nangyaring kiss pero s'ya lang daw ang nag-kiss kay Prinze sa pisngi no'ng hinatid daw s'ya nito pauwi.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...