Kabanata 1
I was patiently waiting for them to pay for the books from the cashier. Ang cute nilang pagmasdan. Tall guys buying romance books.
Naagaw lang ang atensiyon ko nang isang teenager na babae ang lumapit sa akin at nagtanong.
"Uhm, ate. . . ate, ano po pangalan ng mga kuya mo?"
"Huh? Hindi ko sila kuy—" I paused and smiled mischievously. Tinuro ko sila Prinze na palapit na sa gawi ko. "Ah sila? Bakit? Crush mo sila, ano? Nako, huwag 'yan sila. Mabaho tae nila."
"May mabango bang tae, Mon?" Dante retorted playfully.
"Tara na, Mon," Grey said.
Gusto ko pa sanang kausapin ang babaeng teenager kanina pero paglingon ko ay wala na ito sa aking tabi. Nakita kong nagmamadali itong bumalik sa kaniyang grupo sa labas ng National Book Store. Their curious gazes were following our tracks.
"Napagkakamalan tayong magkapatid," I giggled.
"Hindi ako papayag. Mas guwapo kaya ako kaysa kay Prinze," Grey protested.
"Mas guwapo si Prinze!" Hindi ako sumang-ayon sabay hampas sa kaniyang balikat.
"Ang favoritism mo, Mon. Baka may gusto ka kay Prinze?" kuwestiyon ni Dante at tinapunan ako ng makahulugan tingin.
Kinagat ko ang aking dila nang napagtanto ang aking sinabi. Nakakahiya tuloy lumingon upang tingin si Prinze na nakasunod lang sa amin. Pinapagitnaan kasi ako ng dalawa sa paglalakad. Sila pa ang may hawak ng paper bag na may lamang mga libro.
"Pantay lang ang tingin ko sa inyo," bawi ko.
Umarte si Grey na nagtatampo. "Mas mahal mo kaya si Prinze."
Parang gano'n na nga pero crush lang talaga. Hindi puwedeng sumubra.
Dante turned his head to look over his shoulder and talked to Prinze.
"Ikaw, Prinze? Payag ka no'n, kapatid mo si Mon?"
"Ayaw ko."
Umuwang ang mga labi ko. Ayaw n'ya? Grabe kahit kapatid na lang? Ano ba ang turing n'ya sa'kin? Acquaintance lang? Ang close namin noon.
"Bakit? Aasawahin mo?"
"Puwede rin."
Napatili ako sa isip ko, at humigpit ang pagkakayakap ko sa aking mga libro.
Delikado na ako. Kaunting interaksiyon lang? Para na akong maglupasay sa kilig.
I bit my bottom lip to hold back the smile. Masyadong halata kapag ngingiti.
"Ano ba kayo. Tumigil na nga kayo. Kakahiwalay lang nila ni Selene. . . nagmo-move on pa 'yan s'ya." Mahinahon kong saway sa dalawa habang naglalakad kami.
"May balak ka talaga, Mon? Maging kayo ni Prinze?"
"Sira! Hindi ah! Ang issue n'yo naman dalawa!"
"Hindi mo masasabi 'yon kung hindi dumaan sa isip mo! May lihim na pagtingin ka kay Prinze 'no?" Grey even wiggled his thick brows.
"Denial stage 'yan s'ya," Dante whispered over my ear.
"Tigilan n'yo ako ha. Nananahimik 'yong tao rito eh. Bawal pa ako magka-boyfriend. Papalayasin ako ni Tita Hershey!" Sinamaan ko sila ng tingin.
Huminto ako sa paglalakad at tumabi muna sa daan. Nasa loob kami ng isang mall na malapit lang sa campus. Ang daming taong dumadaan. They would turn their heads to take a second glance at us.
"Ayos lang din kung maging kayo ni Prinze. Marami naman silang bahay at lupa. Halos ipamigay na nga ni Prinze 'yong ibang pinamana sa kaniya ng Lolo at Lola n'ya eh," suporta ni Dante.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...