Kabanata 12
Studying literature, makes you a master of words. Learn how to read and analyse them, and most importantly you learn how to make them into written art.
Isinulat ko 'yong paragraph sa papel. Ito na naman kasi si Ma'am sa patanong na ano raw ang natutunan namin sa kursong ito.
Madilim sa kuwarto ko at sa flashlight lang ako kumukuha ng liwanag. Gusto ko kasing matapos itong sinasagutan ko dahil ayaw kong mag-cram sa umaga.
Humilata ako sa kama nang umugong ang cellphone ko. Nakalimutan ko pala itong e-silent mode at do not disturb. Naagaw naman na ang atensiyon ko kaya sinilip ko ang notification.
Prinze:
monmon, i can't sleep :(I almost threw my phone at his message. Ampota, bakit s'ya ganito?! Nakakagulat! Kailangan ba talaga informed ako na hindi s'ya makatulog? May pa sad emoticon pa. Gago, pa-fall. Kala ko ba 'di s'ya mahilig sa chat? Ano 'to, joke?
Nanginginig ang mga daliri ko habang nagpipindot ng letra sa pag-reply.
Me:
samedtPrinze:
gusto ko pumunta sa bahay nyoSinubsob ko ang mukha ko sa unan at tumili. My screams turned muffled. Ano'ng oras na? Tapos pupunta pa s'ya rito?
Me:
wlang aircon dito, mmatay ka sa init. kasalanan ko pa?Prinze:
bayad tayo kuryente nyo bukas?Me:
sinabi ko na sayo n wag nga. malalaman ni tita. alam nyang wla akong moneyPrinze:
you can spend the night here, mon. i can't sleep thinking that you don't have electricity in your houseSunod-sunod ang pag-reply naming dalawa. Napatigil lang ako para ibaon ang isang unan sa mukha kong puputok na sa sobrang init.
This should be illegal, right? Is this even normal? Ganito ba talaga ang magkaibigan o magkababata?
Bawat pagpindot ko ng reply ay may diin na halos basagin ko na ang screen ng Android na cellphone ko.
Me:
ano nlang iisipin ng kasambahay nyo? prinze! di pwede!Prinze:
you always say no to meMe:
prinze nmanI waited for his response. Kinse minutos na ang lumipas sa paghihintay ko at hindi pa rin ito nag-reply o seen man lang.
Bumangon ako at niligpit ang notebook na pinagsulatan ko. Nagbihis ako ng mas maayos na isang pares ng pyjama, tapos na kasi akong maghalf-bath kanina. It's a pair of plain beige color satin pyjamas. Long sleeve at long pants ito. Medyo maluwag pero sobrang komportable sa pakiramdam. Malaya akong makakagalaw kahit tutuwad pa ako.
I did my night routine in the bathroom before double checking the locks of the doors and windows of the house. Lumabas ako dala ang notebook, panulat at cellphone ko. Nagtungo sa gate ng bahay nila Prinze.
Pinindot ko ang doorbell ng isang beses. Sosyal talaga ng bahay ng lalaking 'to. Naalala ko pa noong bata pa kami ay nilalaruan ko doorbell nila. Tapos tatakbo ako para magtatago bago pa man may lalabas na kapitbahay para mag-check.
Nag-chat ako ulit sa kaniyang messenger dahil nakadalawang doorbell na ako at wala pa ring lumalabas. Nakapatay din ang ilaw ng kuwarto n'ya. Kita ko sa bintana nito. Baka tulog na?
Me:
nasa labas akoKasabay ng pag-chat ko, pagkalipas ng ilang segundo ay umilaw ang kuwarto n'ya sa second floor.
Hindi nagtagal ay bumukas ang double door ng bahay nila. Lumabas s'ya habang sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.
Suot n'ya ang isang simpleng kulay brown na shorts at plain white sando. Binabalandara ang matitigas na kalamnan ng kaniyang maskuladong braso.
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
Roman d'amourShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...