Kabanata 15
Hindi ko s'ya sinipot sa usapan na magkikita at mag-uusap kami sa araw na 'yon nang nalaman kong pumayag s'yang sumali sa Mr. and Ms. Intramurals ngayong paparating na Foundation Day ng university.
Binaha n'ya ako ng mensahe. Pumunta s'ya sa bahay pero nagtulog-tulugan ako, at pinaalis lang s'ya ni Tita Hershey.
Prinze:
mon, you told me we're gonna talk?Prinze:
where are you? meet me at the parking lotPrinze:
fuck. get out, mon. i'm outsideI did not reply. Binasa ko lang. Bahala na kung naka-seen. Inignora ko muna ang nararamdaman ko para sa kaniya. Lalo lang itong lumalalim habang tumatagal.
Sa campus ay iniwasan ko s'ya. Ingat na ingat talaga ako na hindi kami magkakasalubong sa daan. Saulo ko na ang iilang rooms na pinagkaklasehan n'ya kaya hindi talaga ako dadaan doon.
Pabalik-balik din si Prinze sa bahay sa loob ng isang linggo pero hindi ko talaga ito nilalabas. Ayaw ko itong kaharap dahil baka ay hindi ko mapigilan ang sariling nararamdaman ko. Hinayaan ko na si Tita Hershey ang lalabas at sasabihin n'ya lang na busy ako, 'di pa ako nakarating galing eskwala, tulog ako, may ginagawa akong schoolwork, o 'di kaya ay naglilinis ako ng bahay.
Balita ko ay madalas na magkasama si Prinze at Selene ngayon para sa rehearsals ng paparating na Foundation Day ng university. Siguro ay dahil nasanay na rin ako kaya 'di ko na masyadong dama 'yong sakit at selos. Pilit ko lang pa lang binabaon sa limot ang matinding nararamdaman.
Pinili ko 'to, hindi dapat ako masasaktan, 'di ba? Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon na ang s'yang pumili ay talagang ginustong piliin iyon. Gaya na lang ng mga taong nang-iwan, may iba na labag sa kanilang kalooban pero wala silang magagawa. Para lang sa kabutihan ng lahat.
Mas mapayapa ang buhay ko kapag wala silang dalawa. Ayaw ko rin na may pinapanigan ako. Mas maayos na 'yong ganito.
Sa loob ng isang buwan ay hindi naman talaga maiiwasan na magkikita kami ni Prinze sa campus. Bago pa man n'ya ako malalapitan ay nakaalis na ako. Hindi talaga nagkakaroon ng pagkakataon na magkaharap at magkausap kami.
Kinakausap ko naman si Selene dahil napapadalas na ulit ang pagsama n'ya sa amin. Madalas n'yang kinukuwento ang mga pangyayari sa buhay n'ya kasama si Prinze ngayon. Sabi n'ya pa ay partner daw sila sa isang research.
I deactivated all my social media accounts. Text at tawag na lang ang paraan para ma-contact ako. Sa mga groupchat naman para sa mga subject ay nakikibalita na lang ako kay Zam at Yen.
Pababa ako ng hagdan suot ang isang kaswal na damit. Isang black baggy cargo pants at beige fitted tee shirt. Ayos lang daw hindi mag-uniporme ngayon dahil Foundation Day naman.
This outfit emphasized the shape of my body. Mas nadepina ang maliit at kurba ng baywang ko. Kita rin ang flat na tiyan ko. Lumapad din ang balakang ko.
"I see, you're avoiding our neighbor huh? You're growing and healing. Finally. Sinusunod mo na rin ang mga utos ko," puri ni Tita Hershey pagkababa ko. Nakaupo ito sa sofa hawak ang kaniyang isang tasa ng tsaa.
"Papasok na po ako, tita," magalang kong paalam.
Medyo nagkaayos na rin naman kami matapos ang huling sagutan at sigawan namin. Ang gaan sa pakiramdam. Ito lang naman ang hinihiling ko, ang magkakaintindihan kaming dalawa.
"Sure." Naglapag s'ya ng limang libo sa center table galing sa kaniyang mamahaling pitaka. "Here, extra allowance. You're doing well."
Kinuha ko iyon. "Salamat po, tita."
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...