Kabanata 3
After ng huling klase ko ay naghintay si Prinze sa'kin sa kotse n'ya. Magkasama naman si Grey at Dante dahil same university naman ang pinasukan nila.
Nag-streetfood lang kaming apat at bardagulan bago umuwi. Pinasabay na ako ni Prinze sa kaniya at binaba sa harap ng gate ng bahay. Narinig ko pa na parang may nagkakatuwaan sa backyard ng bahay nila. Siguro nariyan ang parents n'ya?
Prinze's house is four times bigger than Tita Hershey's. Hanggang second floor itong bahay ni tita at may limang rooms. Maliit lang din ang bakuran namin at isang parking area na good for one car.
Sa bahay naman nila Prinze ay dalawang palapag lang din pero malaki. May parking area na puwede sa dalawang kotse at dalawang motor. May garage. Malawak 'yong bakuran. May swimming pool sa backyard nila, at garden para sa family event. They have the money for maintenance.
Katapat namin ang bahay ni Grey na may roof deck, at katabi nito ang bahay ni Dante na may malawak na balkonahe sa second floor kaharap ang kalsada. Magkakapitbahay lang talaga kaming apat. Their house is as large and elegant as Prinze's.
Madalas kapag pasko ay iniimbita nila ako dahil ako lang mag-isa sa bahay at wala pang handa. Tita Hershey is usually celebrating her white christmas in another city or country.
Kahihiga ko lang sa malambot kong kama, at nag-isip kung ano ang kakainin kong hapunan nang umilaw ang cellphone ko.
I opened it and saw a notification from messenger.
Prinze de los Rozo wants to send you a message.
I accepted his message request, and read the message.
Prinze:
barbeque party with family, wanna come? i'll pick you up in fifteen minutes.Mabilis akong nag-reply.
Me:
nakakahiya, tagal na nila akong di nakita.Ang bilis n'ya rin naka-seen. Three dots appeared beside his small circle-shaped dsiplay picture.
Prinze:
grey and dante are here.Me:
ako lang babae?Prinze:
my cousin invited selene.Napaisip ako. Hindi kaya ito ang party na sinasabi ni Selene kanina? Pupunta ba ako o hindi? Nahihiya ako kaso tinatamad naman akong mag-isip ng makakain.
Kaso ay pinangunahan ako ng hiya. Bahala na magutom. Ayaw kong mahiya.
Me:
dito na lang ako, nakakahiya.Pag-alis ko sa conversation namin habang typing pa s'ya ay nakita ko naman sa mga mensahe ko ang magkasunod na bagong mensahe.
Grey Bantot:
cinderella, tara sa bahay nila dante sabi ni prinze charming. jamming daw. kanta ka, guitar kami.Dante Bansot:
jamming tayo, belle. duet daw kayo ni beazt. kuha lang kami bbq.Cinderella kasi may curfew daw ako lagi. Belle kasi mahilig daw ako sa libro. Ganiyan 'yan sila. Hindi nauubusan ng asar.
I didn't reply to their message. Sineen ko lang dahil tumayo na ako upang magbihis ng damit na maisusuot doon. Ayaw kong mag-shorts. Hindi na kami bata. Gabi na rin at malamig sa labas.
Kasalukuyan akong naghuhubad ng underwear nang umilaw na naman ang cellphone ko.
Prinze:
i'm outside, monmon.Hindi pa nga fifteen minutes? Ang bilis naman nito.
Nag-reply muna ako bago nag-suot ng undies.
Me:
naman eh! mag-aayos muna ako! naghuhubad ako ng panty 'wag kang magulo!
![](https://img.wattpad.com/cover/376031165-288-k309678.jpg)
BINABASA MO ANG
Reading the Moon (Estudiante #1)
RomanceShe's like the moon that only gets noticed when everything turns dark and depressing. Mon Valiente, isang estudyante sa kursong Bachelor of Arts in Literature. She's living under the roof of her abusive aunt since her parents are both dead. Bilang m...