AMALIA'S POV
Sinamahan sya ni Dimitri na pumunta sa bahay ni Admiral Marco Torres.
Pagdating nila ay pinapasok kaagad sila ng guard dahil kilala ng mga ito si Dimitri. Sa loob ng compound ay isang dalagita ang sumalubong sa kanila.
"Dimitri?"
"Hi, Natalei. Andyan ba si Tito Marco?"
"Oo."
Lumipat ang tingin nya sa akin at nanlaki ang mga mata.
"Ate Alli?"
Nagkatinginan kami ni Dimitri dahil kilala nya ako.
"Kilala mo na si Ate Alli?"
"Ah.. I saw her pictures with Ate Amanda sa Japan."
Aniya at umiwas ng tingin sa akin.
"Pasok kayo, nasa garden si Dad kasama si Mommy."
Dinala kami ni Natalei sa harden nila. Pagdating don ay nakita ko kaagad si Mr. Torres na may kausap na babae. Ito siguro ang asawa nya.
"Daddy, may bisita po kayo."
Nagulat si Mr. Torres ng makita kami. Di nya kasi alam na pupunta ako sa bahay nya ngaun. Di na kasi ako makapaghintay sa kaibigan ni Daddy Vaughn kaya naman kinausap ko si Dimitri kung kilala nya si Admiral. Ang sabi nya ay kilala nya at alam nya kung saan nakatira kaya naman niyaya ko sya na samahan nya ako para makausap si Admiral Torres.
"Dimitri? Alli?"
"Magandang araw po, Mr. Torres."
Bati ko sa kanya.
"Hi, Tita Lara!"
Lumapit si Dimitri sa babae at nakipagbeso.
"Ah, Alli, meet my wife, Lara! She is Agent Alpha's girlfriend of NICA."
"Nice to meet you, Alli!"
"What brings you here?"
"Gusto sana kita makausap."
Nagkatinginan sila ng asawa nya.
"Natalei, baby, samahan nyo ko ni Dimitri sa kitchen."
Sumenyas sa akin si Mr. Torres na maupo pagkaalis ng tatlo.
"May kailangan ka ba sa akin, Alli?"
"I just want to know the truth. Kapatid ko ba si Amanda? Is Nabio Torres my real Dad?"
Alam ko na nagulat sya sa tanong ko. Ayoko ko na mag paligoy-ligoy pa. I want to know the truth bago puntahan sa Zambales si Amanda.
"Did Amanda tell you that?"
"Yes! Also, Daddy Vaughn told me that Theo Fuentes is not my real father."
I saw him sigh.
"Hindi ako ang tamang tao na dapat mo kausapin tungkol sa bagay na to, Alli. It's my brother, Armando."
"Pwede ko ba malaman kung bakit inilihim nyo ang totoo sa akin?"
"As what I have said, hindi ako ang tao na dapat mo kausapin tungkol sa bagay na to."
"I am going to visit Zambales—"
"You don't need to go there."
Kalmado nya na sabi sa akin pero di nya naitago ang galit na nakaguhit sa mga mata nya.
YOU ARE READING
2ndGenBook3: One night stand with the untamed heiress
RomanceMarco Luhance Dela Pierre and Amalia Fuentes Story