MARCO'S POVTahimik lang buong dinner nila si Amalia. Ang Mommy Faith nya ay panay ang sulyap sa kanilang dalawa. Kahit di na ito magtanong ay alam na ng Mommy nya na nagkatampohan silang dalawa. Si Vaughn naman ay nasa Iloilo para sa hotel na pinapatayo nya don. Si Dimitri at Lance ay hindi rin nagtangka na kausapin si Amalia.
Pagkatapos nila mag dinner ay nag paalam ulit si Amalia sa Mommy Faith nya na babalik ng kwarto. Napabuntong hininga na lang si Marco dahil hindi pa rin sya pinapansin ni Amalia. Hindi na sya mapakali dahil uuwi na bukas ng Cebu si Alli at hindi pa rin sila nagkakabati.
"Kuya, nag-away ba kayo ni Ate Alli?"
Tanong sa kanya ni Dimitri ng makita na umalis si Amalia.
"Pag-aaral mo ang pagtuunan mo ng pansin."
Pabagsak sya na umupo sa sofa na nasa sala nila. Tumabi sa kanya si Dimitri.
"Baka naman kasi may pinagseselosan?"
Nagkasalubong ang mga kilay nya sa sinabi ng kapatid.
"Selos? I didn't talked to other woman. Besides, I am busy with work."
"Sa mukha ni Ate Alli, mukhang nagseselos Kuya."
"Paano ko na sabi?"
"E ganyan na ganyan ang mukha ni Ate Maige kapag nag seselos!HAHAHA"
Ginulo ko ang buhok nya.
"Dami mo talaga napapansin."
Sinundan ko si Alli sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ay nakaupo sya sa sofa habang hawak ang cellphone nya. Ni hindi man lang sya lumingon ng pumasok ako.
Tumabi ako ng upo sa kanya.
"Sweetheart, can we talk?"
Di pa rin nya ako pinapansin. D'mn! Ma pride din ako na tao pero pagdating kay Alli. Gagawin ko ang lahat imikan nya lang ako kahit pa ang lumuhod ako ngaun sa harap nya.
"Your silent treatment fvcking scares me, Alli."
Balak nya ba ako wag imikan hanggang bukas? Uuwi na lang sya sa Cebu na hindi kami nagkakaayos?
"Sweetheart, hindi ako makakapayag na uuwi ka ng Cebu na hindi tayo nag kaka-ayos."
"Kanino phone yan?"
Aniya sabay turo sa box ng phone nasa table.
"Mine, nahulog ang phone ko at nasira kanina habang nag mo-motor ako."
Sorry sweetheart for lying!
"Alli, why are you mad? Tell me?"
Napangiti ako ng tumayo sya at kumandong sakin. Iniyakap nya ang mga kamay sa aking leeg nang mahigpit at sumandal sa dibdib ko. My koala bear, Alli. Ang hirap mo suyuin kapag nagtatampo ka. Tinatakot mo ko sa silent treatment mo!
"Why are you mad at me? Did you reply on my messages? At hindi ako nakareply kaagad sayo kaya ka ba galit sakin?"
Umiling sya.
"I.. think.."
"I... s--aw your childhood friend at the restaurant earlier. She is so beautiful."
YOU ARE READING
2ndGenBook3: One night stand with the untamed heiress
RomanceMarco Luhance Dela Pierre and Amalia Fuentes Story