Chapter 20

173 10 2
                                    


AMALIA'S POV

"Ate Alli!"

Hinampas ni Marco ang kamay ni Dimitri ng sinubukan sya nito akbayan. Sumimangot tuloy ang kapatid ito.

"Marco, ikaw talaga!"

Saway ko sa kanya. Nilapitan ko si Dimitri.

"Let's go to the firing range this afternoon."

"Yes!"

"Sweetheart, pumayag na ba ako?"

Humarap ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Do we need to have your permission? Kay Mr. Dela Pierre kami mag papaalam."

Napangiti ako ng itinaas nya ang mga kamay sa iri.

"Fine!"

Hinila ko si Dimitri sa kamay at nauna na kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Sinalubong kaagad kami ni Mrs. Faith.

"Alli!"

Yumakap sya ng mahigpit sa akin.

"Magandang araw po, Mrs. Dela Pierre.

"Ano ka ba, Tita Faith na lang ang itawag mo. Masyadong promal ang Mrs. Dela Pierre. Maupo ka, Alli. Wala ka bang work ngaun?"

"Nag leave po ako."

"Hi, Mommy!"

Napangiti ako ng yumakap ng mahigpit si Marco sa Mommy nya at humalik sa nuo nito. Tama nga si Maige, he is a sweet guys.

"I miss you, anak. Yung mga kapatid mo ang kukulit na!"

Sumbong ni Mrs. Faith sa kanya. Tumalim ang tingin ni Marco kay Lance at Dimitri.

"Umayos kayong dalawa. Mom, where is Dad?"

"Nasa garden at kausap ang Tito Kaizer mo."

Nagpaalam si Marco na pupuntahan ang Daddy nya. Ako naman ay naiwan kausap si Mrs. Faith.

"Alli.."

Hinawakan ni Faith ang kamay nya.

"G-usto ko lang malaman, hindi mo ba talaga boyfriend si Marco?"

"Ah,—"

Umusog sya at sumenyas na may e bubulong sa akin.

"Y-our kiss marks are visible in your neck. Papagalitan ko mamaya si Marco!"

Napasinghap ako sa sinabi nya sabay takip ng leeg ko gamit ang mga kamay ko. Nakakahiya! Nakalimutan ko na takpan to kanina. Ang hilig ko pa naman mag suot ng mga sleeveless tops.

Pakiramdam ko ang pulang-pula ang mukha ko sa hiya!

"Ah, pwede po ba ako mag bihis muna?"

Paalam ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

"Yes. Nasa kwarto na ni Marco ang gamit mo, pinahatid ko kay Dimitri."

"T-hank you po."

Aalis na sana ako pero nag salita pa ulit si Mrs. Faith.

"Alli, tell me if Marco forcing you to be with him."

"Ah, hindi po. Ang totoo po kasi, he is now my boyfriend."

Nanlaki ang mga mata nya sabay singhap.

"Now? I-big sabihin kakasagot mo pa lang sa kanya?"

"Opo."

2ndGenBook3: One night stand with the untamed heiress Where stories live. Discover now